29

79 5 0
                                    

Maraming bagay ang pwedeng maging importante
Maraming bagay ang dapat bigyang priyoridad
Pero merong isang bagay ang sa ating unang naging mahalaga
Yun ay ang ating mga magulang at ang pagmamahal nila

Paano nga ba natin sila masusuklian?
Paano natin mapapantayan ang kanilang pagmamahal?
Simple lang naman ang gusto ng ating mga magulang
Yun ay ang malagay tayo sa tama at mabuting kalagayan

Sapat na sa kanila ang alam nilang mahal rin natin sila
Sapat na sa kanila ang alam nila na sa'tin, importante sila
Sapat na sa kanila ang makita tayong masayang tumatawa
Sapat na sa kanila ang makita tayong walang problema

Pero, kahit na sapat na iyong mga bagay sa kanila
Karapat-dapat pa rin na makatanggap sila ng sobra pa
Dahil sobra nila tayong minahal
Dahilan para tayo ay sila suklian.

Tula Ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon