59

8 2 0
                                    

Lahat na inumpisahan
Ay matatapos rin
Pero paano matatapos
Kung nakaraan binabalikan pa rin?

Araw-araw, naiisip ko
Talagang nasa akin ang mali rito
Kung bakit naghiwalay tayo
Kung bakit, hanggang dito lang tayo

Siguro nga, kung ipinilit ko ang gusto kay tadhana
Baka hanggang ngayon, tayo pa rin ang magkasama
Baka hanggang ngayon, magkausap tayo hanggang mag-umaga
Baka hanggang ngayon, tayo ay masaya

Hindi ka pa rin mawala sa akin sinta
Ikaw pa rin ang hinahanap-hanap
Dahil ang pag-ibig ko sa'yo ay parang nobela
Tinta ka ng panulat, kaya pagibig ay nandito pa.

Tula Ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon