18

101 5 0
                                    

Ang mga tao ay makakalimot din
Kahit ano pa iyan, saya o sakit
Mga alaala na hindi na maibabalik
Hindi mawawala sa pusong sobrang nasasabik

Ngayon ay tuluyan na kitang binitawan
Hinihiling ko na sana, sa akin ay hindi ka galit
Kahit na lahat ako'y pagtawanan
Ang importante masaya ka kahit wala na ako sa iyong piling

Oo, sobrang sakit.
Oo, sobrang hirap.
Ang bitawan ka ng basta-basta
Parang akong mamatay, marami g kutsilyo ang nakasaksak

Gusto ko lang na ayusin mo ang sarili mo
Ibaba ng konti ang pride mo
Matutong makiramdam sa nararamdaman ng ibang tao
Lalo na sa babaeng mamahalin at minamahal mo

Siguro nga, hindi ako ang para sa'yo
Kasi kung ako, hindi sana ganito
Siguro nga, leksyon lang tayo para sa isa't isa
Pinapaalala na hindi dapat sa pagmamahal magmadali

Ngayon na tuluyan na kitang binitawan
Para rin sa atin, lalo na sa'yong kapakanan
Na sana maayos mo na ang iyong sarili
At mas lalo mo'ngmabigyang halaga ang mamahalin mong babae.

Tula Ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon