24

72 4 2
                                    

Sa bawat patak ng oras
Sa bawat panahon na lumilipas
Akala ko ang nararamdaman ay tuluyan ng nawala
Pero lahat ng 'yon pala ay akala

Ilang buwan na rin ang lumipas
Noong huli tayong nagkausap
Ilang buwan na rin ang nakalipas
Pero puso ko ay patuloy pa rin nangungusap

Bakit nga ba ikaw pa rin ang hanap-hanap?
Bakit ang puso ko' y presensiya mo ang hinahanap?
Ang ilang buwan ba ay hindi sapat?
Para makalimutan ka dahil iyon ang dapat?

Nakakainis, dahil nasasaktan na naman ako
Dahil sa 'twing may nakikita ako
Na nagpapaalala sa'yo
Ang puso ay naninimugho

Sana, bigyan mo ako ng dahilan
Para ikaw ay akin nang makalimutan ng tuluyan
At upang ako' y makabangon na ulit
At maibalik ang sarili na halos akin ng nakalimutan.

Tula Ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon