32

68 3 0
                                    

Ang buhay ay talagang magulo
Kung sino pa ang mababait
Sila pa ang unang nawawala sa mundo
Dahil ang iba, nanatili pa ring nakakabit sa dulo

Sobrang sakit ang mawalan ng minamahal
Pero mas sobrang sakit naman ang mawalan ng kaibigan
Dahil sila, ang ating mga kaibigan,
Ay ang palaging nandiyan kapag tayo ay nasasaktan

Kahit hindi man natin sabihin
Kahit itago pa natin ang damdamin
Mararamdaman pa rin nila iyon
Lungkot na patuloy kang sinasakop

Pero minsan, binabalewala lang natin sila
Hindi pinapansin ang pakikiramay nila
At dahil dun, sila naman ay nawala
Upang maramdaman natin ang pakikiramay nilang ginawa

Minsan, huli na nga ang lahat.
Minsan, wala ng pagasang masisiyasat
Dahil sa gustuhin man natin silang ibalik
Hindi na tayo makakabuhay ng patay.

*******

Inilibing na nga ang kaibigan ko noong nakaraang araw. April 3, 2022. Friend, ang ganda naman ng pareunion mo. Sa libing mo pa mismo. May your soul rest in piece. We'll always remember you. We, all, love you.

Tula Ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon