8

219 5 0
                                    

Ako ngayon ay masaya
Dahil nagbalik ka
Pero katumbas naman nito ay lungkot
Dahil nagbalik ka para sa iba

Siguro nga dapat na akong maging masaya
Dahil nandito ka na naman ulit
Pero di ko mapigilan na umasa
Na sana, ako ang dahilan ng iyong pagbalik

Naiinis ako
Hindi para sa'yo
Naiinis ako
Dahil sa sarili ko mismo

Dapat mas maaga ko itong pinigilan
Para kahit umalis ka hindi ako masasaktan
Ngunit ang nangyari ay kabaliktaran
Ang nararamdaman para sa'yo ay halos abot na ang buwan

Uupo na lang ako at titingnan ang iyong pangalan
Pangalan mo na kasing ganda ng buwan
Pangalan na aking inaasam
Pangalan na hindi mapapsakin kailanman

Sana sa pagtatapos ng tulang ito
Ay makapiling mo na ang mundo mo
At makita kang masaya
Kasabay ng pagpigil ko sa aking nadarama.

Tula Ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon