33

69 3 0
                                    

Hindi ko na alam
Hindi ko maintindihan
Diyan sa puso mo,
Ano ba ang nilalaman?

Akala ko, mananatili na lang ako sa nakaraan
Pero nakaalis ako at sayo galing ang paraan
Akala ko, sa puso ko siya lang angmagiging mahal
Pero naliwanagan ako, siya pala ay iyo ng napalitan.

Pero ang masakit
Sa akin wala kang gusto
Para mo lang akong inaakit
Pero iba ang gusto

Sana nga ako na lang,
Araw araw na hiling ko
Pero pano na lang matutupad?
Kung imposible ang ninanais ko?

Kung sana sabihin mo
Ano ba talaga ang nararamdaman mo?
May puwang ba ako riyan sa'yong puso?
O isa lang ako sa mga taong dadaan sa buhay mo?

Tula Ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon