66

5 1 0
                                    

Napatingin sa tanawing maganda
At meron nga akong naalalang memorya
Alaala nung una kang makilala
Hanggang sa ibigin na nga kita

Labis ang saya na nadarama
Nung ikaw ay napasakin na nga
Ngunut labis rin ang sakit na kapalit
Nung lahat ay naglaho bigla

Inihanda ko na ang sarili
Sa mga posibleng mangyari
Ngunit paghahanda ay parang kulang
Sapagka't sa huli, napakasakit pa rin ang naranasan

Tinatanggap na lang kahit hindi kaya
Kakayahin kahit parang susuko na
Dahil nangako na magiging ayos lang
Tutuparin hanggang sa mawala na nga ang puwang.

Tula Ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon