38

72 3 0
                                    

Noon, sa'yo ay wala akong pake
Pero ngayon, kung bakuran ka ay sobra pa sa lalaki
Noon, hindi naman ako nagpapapansin
Pero ngayon, mapuna lang ako ay halos mahimatay na sa kilig

Naalala ko ang araw na tayo'y nagkaaminan
Aalis na ako dapat, dahil wala naman na akong mababalikan
Naisip ko iyon dahil iyon ang iyong pinaparamdam
Pero hindi ko lang pala alam, pareho tayo ng nararamdaman.

Noon, kaya ko namang umahon ng mag-isa
Pero ngayon? Hindi na
Sobra na akong nalulunod
Na halos hindi na ako makaahon

Ano nga ba ang ginawa mo?
Bakit ako ay hulog na hulog sa iyo?
Yung tipong, wala pang limang minuto
Gusto na kita makausap ulit, kasi miss ka ng puso

Hiling ko lang ay sana manatiling tayo
Na manatiling sa isa't isa ay may nararamdaman tayo
Na kahit sa ngayon ay wala pang tayo
Pero alam kong ikaw ay sakin at ako ay sa'yo.

Tula Ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon