Chapter 3

68 4 0
                                    

Chapter 3


Buy


DAD HELPED me to settle again. Marami siyang inasikaso para lang makakuha ako ng panibagong bank account dahil kahit pa umiyak ako ng dugo sa sobrang sakit ng loob, alam naman naming hindi na maibabalik ang bag ko.

I'll leave Karry in our condo for probably days or weeks because Dad asked me to stay in our home for a while while he's fixing the chaos.

Sa school na lamang kami nagkikita ni Karry. Nakasimangot naman siya dahil nasanay na raw siyang magkasama kami.

"Ba-bye! Kainis ka! Tatanga-tanga kasi!" Kumaway siya sa akin nang dumating ang aking sundo. Ang driver ni Dad ang sumundo sa akin gamit ang Audi niya, he's at work now.

Kinawayan ko pabalik ang aking kaibigan. "Sorry na. Hindi naman 'to aabot ng buwan dahil mabilis umaksyon si Daddy! Pakibantayan na lang ang condo, okay?! Mag-lock ka parati! Makalimutin ka pa naman!" Pinandilatan ko siya.

She smiled faintly and waved goodbye again. Ngumiti na rin ako at itinaas ang salamin ng sasakyan. Humilig ako sa upuan at sinabihan si Manong Iver na tumulak na kami.

Pagkarating sa bahay, naabutan kong prenteng nakaupo si Lervina — anak ni Tito Cezar sa ibang babae at step-sister ni Chaster — sa couch na umiinom ng tsaa.

I really don't like this girl. Tatlong taon na kaming hindi nagkita dahil nasa U.S. siya pinapaaral ni Tito. Kung sino pa itong kailangan rumespeto, siya namang pinakabastos! And look at her! Acting as if a queen in this house!

Padarag kong binagsak ang aking shoulder bag sa sofa. Napataas ang kilay ni Vina at marahang nilapag ang tasa sa center table.

She's wearing her violet dress and black pumps, paired with her white beret hat.

"Hey," napipilitan kong bati.

"Hmm... Late na, huh? Ngayon ka lang?" May halong pagdududa ang kaniyang boses.

I rolled my eyes and sat down. "Nag-aaral ako, eh. What do you expect? Me cutting classes just so I could call myself a good girl? Hmm, go straight to the point, Vina. What do you need?" mariin kong sinabi. Wala pa man, naiirita na ako sa kaniya.

I still have to call Mommy! Nag-aalala iyon sa akin!

She arched her brows at me. "Masyado kang tense. I just wanted to see if you're doing well and I guess... you're doing the worst-"

"Shut up!" Umayos ako ng upo, handa nang nakipag-war kung 'di siya titigil ngayon.

She laughed like a demon. She raised her hands and shook her head. "Chill, girl! Pero seryoso, how's life?"

Inirapan ko siya at iritadong kinuhang muli ang aking bag. Inaaksaya ko lang ang oras ko rito! Mas mabuting tawagan ko na lang si Mommy at gumawa ng assignments!

"Ano ba'ng nakikita mo sa sitwasyon ko ngayon?" mataray kong tanong.

She blinked innocently. "Huh? Uhm, bad?"

"E 'di, bad!" I hissed and marched upstairs. Binibuwesit ako. Buong araw na ngang na-stress dahil sa mainit na ulo ng aming mga prof, ito pa ang maaabutan ko!

That evening, I called Mom in my room. As usual, her hysterical reactions were included while nagging at me. Oh God, Maria Cassandra, you're so loving...

["Anak, naman. Please, be careful there. Kapag may nalaman pa akong may aksidenteng nangyari sa'yo, hindi ako magdadalawang-isip na pabalikin ka rito! Tutal ay napilitan lang naman ako na patirahin ka riyan dahil sa lintek mong ama-"]

Chasing Him, My Dream (Runway of Love #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon