Chapter 27

41 1 0
                                    

Chapter 27


Tired


ILANG beses kong c-in-ontact si Maxine ngunit ayaw sumagot. Hindi ko kabisado ang number ni Norleen kaya nilabas ko ang phone ko at nag-effort pang ikopya iyon sa phone ni Mommy.

We heard commotion near us so I looked behind me. My eyes slightly narrowed.

"Teka... Si Maxine ba iyon?" Napatanong ako sa hangin nang maaninag ang matangkad at morenang babae. Nang nakangiti itong tumalon-talon sa tuwa yata, nahinuha kong si Max nga iyon!

Isang grupo sila, kakalabas lang galing sa elevator at nang matanaw ko pa lalo, nakilala ko ang mga kasama niya. Dior while walking silently beside Norleen, while Norleen is laughing like an idiot. On the other side, Kiara is busy sipping on her milkshake and Antonette is listening to the two loud women, Norleen and Maxine.

Tumayo ako at nagpaalam sa ina.

"Why? May problema?"

"Hoy!" Dinuro ko ang nakangising mukha ni Norleen. Her perfect brows met and when she realized who I was, she stepped back, as if she was scarred or something. "Ano'ng ginagawa niyo rito!"

"Oh my God!" Ang kanina la'y tahimik na Dior, halos mapahiyaw nang makita ako. "Aria!" Gigil siyang yumakap sa akin at kumapit ng sobrang higpit!

"Didi-"

"Ugh, stop calling me that! I missed you so, so much!" She grunted and kissed my cheeks. Humiwalay siya nang humalili si Kia sa yakap.

"Walang hiya ka talaga! Kahit kailan ay wala kang good manners and right conduct! Umalis ka nang walang matinong pamamaalam, kainis 'to!" sabay sapak niya sa braso ko. I groaned.

"Aray! Anyways, si Mommy ko pala. Mommy, mga kaibigan ko sa modeling," pakilala ko at tumabi para makita nila lalo si Mommy.

Mom smiled widely like she just received a gift in Christmas. "Hi, ladies! Nice meeting you, finally, after damn years of waiting! You are all..." Her thin lips formed into a perfect 'O'. "Gorgeous!"

"Hello, po, Tita," patiunang Kia at naglahad pa ng beso.

I rolled my eyes.

"And what brought, you guys, here? Sa pagkakaalam ko ay nasa Pilipinas kayo? Vacation ba 'to? Bakit hindi ako inaya?" duda ko pa.

My Mom chuckled when Norleen whispered her something.

"Oo, vacation na rin pero may halong dahil sa trabaho. Ang nakakapanghinayang pa, tatlong araw lang kaming lahat. Ang sabi kasi may photoshoot para sa Vogue Paris kaso nakansela dahil hindi raw kami  kompleto," si Antonette.

"Oh? Bakit daw? Sino ba'ng kulang?"

"Why don't we chat in the sofa?" si Max kaya sumunod kami, sabay lahat na naupo sa round sofa rito sa lobby.

"Ikaw. Ayos lang naman sa magazine, kaso si Tita, ayaw."

"Missis Rezumta? Bakit daw? Sayang din, ah? Mismong Vogue na pala ang nag-offer. Hindi naman sa first time niyong ma-feature sa Vogue kaso sayang din na oppurtunidad iyon sa taong ito."

"Right... Tita's waiting for your decision," sabing Dior na nagpapukaw sa akin.

"Good timing!" Naunahan pa ako ni Mommy kaya tanging ngisi na lang ang nagawa ko. "She called Max but she was out of coverage."

"Po? My phone is in my hotel room. I forgot it. Sorry, bakit, Aria?"

I sighed dramatically.

"Wala na. Ayaw na niya," pangunguna ni Norleen sa sumusukong tono.

Chasing Him, My Dream (Runway of Love #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon