Chapter 8
Intern
KINABUKASAN ay nagpahatid ako kay Kuya Leonel sa firm. Marami akong kinansela na interviews at projects para rito kaya kailangang masiguro kong papasa ako sa interview.
Maaga niya akong sinundo sa condo kaya maaga rin akong nakapila. Hawak ko ngayon ang folder na may lamang kopya noong papel na magpapatunay na may reserved number ako.
"Kuya, layo ka lang ng konti para hindi masyadong halata na binabantayan mo 'ko," sabi ko kay Kuya Leonel dahil kanina niya pa ako binibuntutan.
Kumunot ang kaniyang noo at yumuko. Matangkad ako pero nagmukha akong bata sa tabi niya. Kinda reminds me of someone who also has a stunning height.
"Pero, Ma'am, baka ho mapaano kayo."
Ngumiti ako at pinalibot ang paningin sa paligid. "Wala naman sigurong mananakit sa 'kin dito. Hindi naman nila ako makikilala."
Napipilitan siyang tumango at bahagya ngang lumayo sa akin. Tanaw-tanaw niya ako mula sa may gilid.
Isang oras lang akong nakapila roon dahil tinawag naman na lahat ng nakapag-reserved. Doon natagalan dahil nasa ika-trenta pa lang ako. Matyaga akong naghintay sa bench, katabi ang mga sunod at mas nauna sa akin.
Nilibang ko ang sarili sa pagso-scroll sa Facebook. Gusto ko sanang mag-selfie kaso natatakot akong ibaba ang aking mask.
"Miss Arianna Bietrice Vionzo?" malambing na tawag ng isang babae na nakauniporme kaya awtomatiko akong tumayo at hinanda ang sarili.
Nawala ang ingay sa paligid dahil natakpan ang pandinig ko sa nakakabinging pintig ng aking puso. I relaxed a bit. Kung patuloy akong kakabahan, mas lalong papalpak ang interview ko ngayon.
Bumuga ako ng hininga at ibinaba ang aking face mask nang nasa loob na ako ng opisina. Nakita ko ang isang babaeng maawtoridad ang pananamit at maging ang itsura. Nakuha ko agad na siya ang mag-i-interview sa akin.
Tumaas ang kaniyang kilay. "You may take your sit, Miss..." utos nito.
"Hala..." singhap ng babaeng parang naestatwa sa aking gilid. Ngumiti ako sa kaniya at nanlalamig na naupo.
The questions were tough. Kailangan kong pag-isipan muna ng mabuti ang bawat salitang bibitawan ko dahil sa oras na magkakamali ako, pakiramdam ko'y babagsak lahat ng aking pangarap. They didn't pressure me but I was so darn pressured!
Nagpahatid ako pauwi mga bandang alas-onse na. Sa condo lang ako buong araw dahil wala akong gagawin kung bibista ako sa Showzin. Wala sina Kiara ro'n dahil may shoot sila. Nakikita ko rin ang mga post nila sa Instagram kaya napagdesisyunan ko na manatili na lang sa condo.
Dumaan ang tatlong araw ng nakaratay lang ako sa condo. Dumating ang inaasahan kong tawag galing sa firm. Binalot ng saya ang aking puso nang inanunsyo nito na nakapasa ako sa interview. Makakapag-intern ako sa firm nila at may isang architect na aalalay sa akin. Nagbigay na rin sila ng date kung kailan ako puwedeng bumalik doon.
Sa sumunod na araw, naghanda ako ng kasulatan at pera para ipa-terminate ang kontrata ko sa Showzin. Sinamahan ako ni Maxine sa office ng CEO dahil siya lang naman ang free sa araw na 'to.
"Seryoso ka na ba riyan? Kailan ka kaya makakabalik, kung gano'n?" Napatanong siya habang tahimik naming hinihintay si Missis Rezumta.
I heaved a sigh and nodded. "Hmm... Kailangan, eh. Kung puwede lang sanang ipagsabay, Max, gagawin ko. Kaso hindi ako makakapag-focus sa isa kung meron pang isa. Babalik naman ako!"
BINABASA MO ANG
Chasing Him, My Dream (Runway of Love #1)
Romance[R-18] Arianna Bietrice Vionzo Arianna Bietrice Vionzo didn't really think of having more ambitions. Ang sa kaniya lang ay ang makapagtapos ng pag-aaral, maging ganap na Architect and to make her parents proud of her. Despite of her father's wealth...