Chapter 24
Toxic
"ANG LAKI-LAKI mo na, Zeron... Parang kailan lang ay baby boy pa kita, ah?" mangiyak-ngiyak kong bulong sa sentido ng bata. Kanina ko pa siya yakap-yakap at buhat-buhat.
Nag-aalala na nga si Karry at baka raw sumakit na ang braso ko dahil mahigit isang oras ko nang karga ang bata.
Pinauna ko nang bumalik sa firm si Cylyx at tinawagan si Alfonso para siya na ang sumama sa akin. Cylyx insisted to accompany me but I told him to go and continue his remaining works.
Hectic ang linggo na ito sa kaniya dahil sa dami ng mga nakatambak niyang trabaho kaya siguro pumayag na rin siya sa gusto ko.
He waited for Alfonso to arrive at our location before he went back to the firm. Kaya ngayon, si Alfonso na ang kasama ko.
"Aria, ibaba mo muna 'yan, magmiryenda muna kayo nitong bodyguard mo, oh," subok niya pero ngumuso lang ako at sinayaw pa si Zeron.
Mabigat na nga siya dahil hindi na siya kagaya noon na baby na baby pa. He knows who I am until now. Kanina nga ay tinawag niya akong 'Ninang' sabay yakap sa akin. That warmth my heart.
"Madame, ibaba niyo muna. Baka nangangalay na kayo."
Isang halik pa sa pisngi ni Zeron at binaba ko na nga siya. Tipid na tumango si Alfonso sa kakalabas lang mula sa banyo na si Zephyr.
Our eyes met. I tried my best to maintain our eye contact but he was the one who cut if first. Nakitaan ko iyon ng sandaling pagkamangha at napalitan agad ng gulat.
"Pasensya na... Pagkarating kasi natin kanina ay saka namang pagpasok niya sa shower kaya pinuntahan ko para ipaalam na narito ka, Aria." Awkward na ngumiti sa akin si Karry.
Naupo ako sa sofa.
"Ang laki na ni Zeron, hindi tuloy ako makapaniwala." I chuckled.
Inayos ni Karry ang kwelyo ng tahimik na anak. "Hindi ko namalayan. Siguro dahil matagal kayong hindi nagkita kaya napansin mo."
Bumuntong-hininga ako. "Time really flies so fast..."
Aksidente kong nasulyapan si Zephyr na tahimik na nakatayo sa gilid ng asawa. This is so fucking awkward. Marami kaming hindi napaliwanag sa isa't-isa at alam kong hindi madaling ignorahin lang ang sitwasyon naming ito.
"Uh..." Sumulyap ako kay Zeron. Ayokong marinig niyang may gusot sa pagitan namin ng mga magulang niya.
Napansin siguro iyon ni Karry kaya nilingon niya si Alfonso ng may magaan na ekspresyon. "Kuya, puwede mo ba'ng ipasyal muna ang bata sa baba? May... pag-uusapan lang sana kami," she asked.
Kilala ko si Alfonso, he doesn't accept any orders from others kaya binalingan ko pa siya sa gilid ko at tinanguan. As if a cue, he called Zeron and asked the kid to join him roam all over the place.
"Sure, Sir!" masiglang aning Zeron at tumingin sa ina. Isang tango at ngiti ni Karry ay kumapit na ito sa kamay ni Alfonso.
Hinintay muna naming mawala sila sa aming paningin. Nang maisara na ang pintuan ng room ay kalmado akong bumaling sa mag-asawa.
"Don't worry. Alfonso is a trustworthy man. Hindi niya pababayaan si Zeron," utas ko.
Ilang minuto kaming binalot ng nakakabinging katahimikan. I couldn't take it. Gusto kong magsalita ngunit nababahag akong mauna.
BINABASA MO ANG
Chasing Him, My Dream (Runway of Love #1)
Romance[R-18] Arianna Bietrice Vionzo Arianna Bietrice Vionzo didn't really think of having more ambitions. Ang sa kaniya lang ay ang makapagtapos ng pag-aaral, maging ganap na Architect and to make her parents proud of her. Despite of her father's wealth...