Chapter 29

40 0 0
                                    

Chapter 29


Curtains


"WHAT the fuck?!" Hindi ko naiwasan ang agresibong reaksyon. Tinapunan ko ng matalim na tingin si Alfonso kaya umatras siya.

"Aria, let's go back. Hindi pa tapos ang show niyo."

Ngayon dahil si Khing ang nagsalita, siya naman ang nilingon ko. I raised my brows at him. He gulped at that. "So, you were like stalking me for years?! And... You were that Sir he kept on calling on the phone?!" Gusto kong maghisterya ngayon!

Ngumuso siya at malamig na tumango. "Sorry. I can't be at peace when you're not around-"

"Tss..." Inirapan ko siya. Hindi porquet na-miss ko siya ay hindi ko na siya tatarayan, 'no! At isa pa 'tong si Alfonso!

"Aria! Ikaw talagang bata ka, bakit — Ay..."

Napatalon ako sa sigaw ni Tita. I looked at her. She was already wearing a cardigan, galing pa yatang loob at hinabol ako. I smiled at her like an idiot.

"Tita! Wait up, my God!" si Norleen na humabol din at natutop ang labi nang makita kung sino ang nasa tabi ko.

"Mauna na ako, Sir," lusot ni Alfonso pero binigyan ko siya ng titig na nagsasabing hindi pa kami tapos.

The thought of me, sharing all the things between Khing and I to him made me want to faint! Jusko, bakit naman kailangan si Alfonso ang ispiya niya?!

"Good evening, Ma'am, Norleen," si Khing at hinaplos ang aking siko.

"O-Oh, hijo — Uhm, Sir Jung... Narito ka pala? Hindi ko alam na nanood ka pala!" Awkward na tumawa si Tita. Nagtatanong ang titig ni Norleen sa akin.

"Ah, opo. Pinapabalik ko na nga si Aria. The show just started."

Ngumuso ako.

"N-Naku, hindi na! I mean, iuwi mo na lang muna iyang si Aria at mukhang masama ang araw niyan! Maayos naman ang performance niya."

"Tita? Hindi, babalik ako, pasensya na at-"

"Hija! Ano ka ba!" Pinandilatan niya ako. Aba? Bakit parang pinagtatabuyan ako nito?

"Oo nga naman, Aria. Khing, iuwi mo muna 'yan, narinig ko kanina masakit daw ulo niya-"

"Huh? Wala akong-"

"Basta ihatid mo lang ng maaga sa hotel bukas, Khing, ah? Maaga kami sa airport bukas," Norleen continued, ignoring my words.

Tumingala ako kay Khing, naabutan ko naman siyang nagpipigil ng ngiti habang nakasilip sa mukha ko. "Let's go, then?"

Teka, saan? Bakit?! May show pa, ah?! May isang oras pa!

"Go na, hija. Inaantok na yata si Khing, oh..." si Tita ulit na parang naaatat akong mawala sa paningin niya.

Naguguluhan man sa pantataboy nila, hinayaan ko na lang din silang bumalik sa loob at kumaway sa bruha.

Nang mawala sila sa dagat ng maraming bouncers, bumuntong-hininga ako.

Hinawakan na naman ni Khing ang kamay ko at hinila ako patungo sa parking lot. I looked at our intertwined fingers. It felt so warm and good. Para akong hinihila ng antok habang dinadama ang bawat haplos niya.

"Masakit pala ang ulo mo?" he asked sweetly.

"Hindi naman... Pero saan tayo ngayon? Hotel?" It was an innocent question. I bit my lip. Damn! S'yempre, hotel dahil turista siya, right?

Chasing Him, My Dream (Runway of Love #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon