Chapter 40

90 1 0
                                    

This is the last chapter of the first installment of Runway of Love Series! Hope you liked this chaotic romance. <3


Chapter 40


Walk


KHING'S birthday came and I decided to give him a simple gift. Simpleng set ng tatlong necktie lang naman iyon dahil nahihiya akong magbigay ng kahit ano. Feeling ko kasi, mas kaaya-aya naman iyon kaysa sa pabango. Bakit pabango, 'di ba?! Mabango na naman siya at afford niya naman iyon! May-ari siya ng pabanguhan!

Sa loob ng box, nakalagay rin doon ang nakasilid sa maliit na envelope na ultrasound pictures. Tatlong litrato iyon at hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya.

The whole party was luxurious. Walang literal na nagpa-party na para bang nasa bar dahil pormal ito. Everyone was wearing formal suits and dresses.

Uminom ako sa aking baso ng gatas. Gabi na at nilapitan ako ng isa sa mga kasambahay nina Khing para ipainom sa akin ang gatas dahil oras na raw para rito.

"Miss, wala ba kayong balak na ilagay roon ang regalo niyo kay Sir? Puwede naman doon sa mesa, Miss..."

Umiling ako't ngumuso, tinatanaw ang fiancé kong nakangising nakikipag-usap sa mga kakilalang kaibigan. "Mamaya ko na lang ibibigay kay Khing, Manang."

Kinuha niya ang baso dahil tapos ko na iyong simutin. Humilig ako sa upuan at hinimas ng palihim ang tiyan. Mag-isa na naman ako sa mesa! Paano ba naman kasi, nagkakatuwaan sina Mommy at Daddy sa mesa ng mga Jung habang ako'y naaalibadbaran sa ingay kaya lumayo kasama si Khing kanina! But visitors came like wild waves and here I am, alone in our table.

Come on, Aria! Dapat maging understanding ka! Birthday niya, oh!

I closed my eyes and I felt a warm thing on my forehead. Pairap akong tumingin kay Khing. He sighed as he sat down next to me. Ibinaling niya ang buo niyang katawan at atensyon sa akin, para bang kanina pa niya gustong mapansin ko.

He smirked. "Sorry about that. I don't wanna be rude..." He caressed my thigh under the table. Tumango ako kahit medyo nairita nga sa tagal niya.

"It's fine. Kakatapos ko lang inumin ang gatas ko..."

"Hmm, good." He held my chin and slightly rubbed something on it. May dumi yata. Sandali siyang napatitig sa kabuoan ng mukha ko at unti-unti siyang napatingin sa hawak kong box. His eyes slightly lit up. "Is that for me?" he asked sweetly.

Tumango ako, umiinit ang pisngi. "Y-Yes... Uhm, mamaya ko na sana ibibigay, kaso nakita mo na... Here."

He accepted it slowly. Tinukod niya muna ang siko sa sandalan ng aking upuan at inilapit ang mukha sa aking pisngi. I looked around. Parang wala lang naman sa mga matatanda na ganito kami kalapit at halos maghalikan na.

If Norleen was here, she would be the one to react first! Good thing busy sila kaya wala!

"Thank you for this." I don't know why but his voice was slightly low, drowsy, unexplainably soft and gentle. I absent-mindedly kissed his cheek.

"Happy birthday..."

Tumitig siya sa akin at nanliit ang mga mata lalo. "An envelope? Letter, huh?"

Ngumisi ako. Binuksan niya ang envelope at marahang dumampi ang daliri niya sa litrato. He looked stunned and overwhelmed, I saw it clearly. Nakita kong naglalaro ang ngiti sa kaniyang labi at ang kilay niya'y tumataas-baba sa tuwa. What a handsome man!

Chasing Him, My Dream (Runway of Love #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon