Chapter 6
Back
KUMAIN kami ni Zephyr sa isang mamahaling restaurant dahil iyon ang napili niya. Habang kumakain, hindi pa rin maalis sa isipan ko ang nakakapanghinalang mensahe. Hindi ako naniniwalang si Engineer iyon. Kung siya man iyon, saan niya nakuha ang phone number ko?! Damn, wala akong pinagbigyan kahit sino man!
"Heto tayo, eh. Ako iyong kasama, iba ang iniisip. Nakakatampo ka na, mahal..." emosyonal na pukaw ni Zephyr sa akin.
Napakurap ako ng tatlong beses at kinagat ang straw na kanina pa nasa bibig ko. "Zephyr, kanina ba... wala kang napansin na kahina-hinala?"
Napaayos siya ng upo at inilapag ang iced tea niya sa mesa. Kakatapos lang naming kumain at nagpapahinga na lang bago kami tuluyang umuwi sa kaniya-kaniyang bahay.
"Kahina-hinala?"
Tumango ako, umaasang may makukuha akong hint man lang.
"Actually, meron..." Tumango siya't ngumuso, tila nagpipigil ng ngiti.
"Talaga?!" Nabuhayan ako.
Tumango siyang muli. "Uh-huh... Pinapansin mo na ako at hindi mo na 'ko tinutulak, iyon ang kahina-hinala, Aria."
Bumagsak ang aking balikat dahil sa sinabi niya. Akala ko naman! Hay naku.
"Ano ba namang makukuha ko sa'yo, s'yempre, kalokohan lang!" Umiling ako at tinitigan siya. Nagtititigan kami ngayon. Nakahalukipkip ako habang siya ay nilalaro ang baso niyang may ice cubes pa.
Pinanliitan ako ng mga mata ni Zephyr, parang may binabasa siya sa emosyon ko. I smiled at him sarcastically. First and foremost, why did I allow him to come with me — and heck, I had dinner with this annoying guy!
"Alam mo, guwapo ka, kaso nakakainis lang..." wala sa sarili kong bulong at tumayo na. Humalakhak ang lalaki at nagtawag ng waiter para sa bill namin. Biniro niya pa talaga ako kanina na walang dinner na magaganap, eh, magbabayad din naman pala.
Narinig ko ang pagsunod niya sa akin nang nasa tapat na ako ng exit. I looked up at him. Nakahawak na naman siya sa strap ng kaniyang backpack. Ang short niya ay jersey niya at kulay itim na t-shirt naman sa itaas. He's wearing his basketball shoes.
Pagabi na at ganito pa rin ang suot niya.
"Kaniya-kaniya na tayo? Uuwi na ako ng bahay at ikaw, sa ibang direksyon ka yata kaya... mauuna na ako-"
"Hey, wait!" Hinawakan niya ang aking braso. "Sasabayan kita! Baka mamaya may masasamang-loob diyan, mapahamak ka pa. Tara na nga!" Hinila niya ako at pumara na naman ng taxi.
"W-What? No! Baka makita ka ni Dad, mapagkamalan ka pang boyfriend ko! Mapapagalitan ako, Zephyr!" halos pahisterya kong sigaw.
May humintong taxi sa aming harap. "Pumasok ka na. Promise, hindi ako magpapakita mamaya sa dad mo. Sasabayan lang kita, Aria, natatakot akong baka mapaano ka..." kalmadong aniya.
I heaved a sigh. Wala na akong maisasagot pa roon dahil tama naman siya. Kung sakaling madisgrasya ako, siya pa ang masisisi dahil siya ang huli kong nakasama.
Pumasok na lang ako ng walang kaimik-imik at hinayaan siyang chikahin ako buong magdamag. Gabi na, wala na ang haring araw. Kung hindi niya ako winili, makakatulog na ako sa taxi.
"Huwag kang magpapakita, ah? Ayun si Daddy, oh, nasa labas ng gate. Shems..." Kinabahan ako dahil kita ko ang nakabusangot na mukha ng ama ko. Nakahalukipkip at nakatanaw sa taxi na sinasakyan ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Chasing Him, My Dream (Runway of Love #1)
Romance[R-18] Arianna Bietrice Vionzo Arianna Bietrice Vionzo didn't really think of having more ambitions. Ang sa kaniya lang ay ang makapagtapos ng pag-aaral, maging ganap na Architect and to make her parents proud of her. Despite of her father's wealth...