Chapter 21
Box
PINALIBOT ko ang aking paningin sa loob ng opisina ng CEO nitong O'Connor firm na si Pomelo O'Connor, ama ng Engineer na sinasabi ni Mommy na siyang nag-aya sa kaniya na isalang ako sa kompanyang ito.
Makikita mula sa labas ng building ang yaman na taglay nito, lalo na sa loob. May nagkalat na chandelier sa lobby kanina, at pati rito sa napakalawak na opisina ng CEO.
"Sir O'Connor is on his way, Ma'am," pagsasalita ng sekretarya nito sa aking gilid. Tiningala ko naman siya at gumalaw sa pagkakaupo rito sa malaking sofa.
"Oh! No worries, this is not something urgent, Miss. I just want to greet and thank him for giving me a chance to apply here," ngiti ko.
She's a blonde woman. Halatang may edad na ito. Maganda, medyo payat, at may mamula-mulang kutis.
Tumango siya.
"Sure, Ma'am. Want to have some coffee? Or tea, perhaps?"
Umiling ako. "Uh, no, thanks. I'm fine..."
Nilubayan niya ako pagkatapos siguraduhing wala na akong gusto. Tumayo ako, dala na rin ng kuryusidad, at sinilip ang mga frames na nasa ibabaw ng desk.
Nakita kong may tatlong litrato roon. Ang isa'y malaki-laki. Litrato ng isang may-edad nang lalaki na kaakbay ang isang medyo bata pa. Ang isang litrato ay kaakbay rin ng parehong matandang lalaki ang mas bata pang binata.
These tree look exactly the same. Sa kulay ng mga mata na medyo berde at asul, nahinuha ko na maaaring ito ang mga anak niya. Ang isang litrato pa ay kuha yata sa kasal ng CEO.
The woman in the picture looks familiar.
Napalingon ako sa sekretarya na may kausap sa telepono. Wait?
Biglang bumukas ang malaking pintuan ng office. Sa gulat ko'y napatalon pa ako at parang tangang nalaglag ang panga nang makita ang pamilyar na lalaki sa litrato.
Oh! Pamelo O'Connor!
"Honey," malambing na tawag nito sa sekretarya at pinatakan ng magaang halik sa labi.
My eyes widened and the secretary saw it. I shamelessly blinked thrice and coughed to cover my embarrassment.
"Ma'am Arianna, this is Pamelo O'Connor, my husband and I'm Katrina O'Connor, his wife and secretary," nakangiting saad ng babae kaya ngumiti na rin ako, hilaw at may halong pagkamangha.
"Nice meeting you, Sir... Uhm, Ma'am," sabay lahad ko ng kamay.
Malugod nila akong inanyayahang umupo. Para naman akong robot kung gumalaw dahil sa nalaman kanina. Wow? Bakit kaya siya ang sekretarya ng asawa niya? Hindi kaya ay dahil pinagkakatiwalaan siya nito? Or sadyang selosa si Madame? Char.
"My son, Cylyx, told us about the daughter of my wife's friend is an architect? It was you?" anang Mister O'Connor.
I nodded. "Yes, Sir... I want to say thank you for giving me an opportunity. I know this might be a bit late but I really do appreciate your kindness-"
Tumawa ito. "You know, darling... Katrina and your Mom were very close friends so I'm not shocked that my wife would find a way to help her friend, but of course... this isn't only about friendship and connections. I read your background. You had nice grades, nice records actually... And a former model?" Nag-angat ng kilay ang matanda.
BINABASA MO ANG
Chasing Him, My Dream (Runway of Love #1)
Romance[R-18] Arianna Bietrice Vionzo Arianna Bietrice Vionzo didn't really think of having more ambitions. Ang sa kaniya lang ay ang makapagtapos ng pag-aaral, maging ganap na Architect and to make her parents proud of her. Despite of her father's wealth...