Chapter 17

41 1 0
                                    

Chapter 17


Offer


"ARCHITECT?" mahinhing boses ang narinig ko mula sa pintuan ng aking office. Nakangiti akong lumingon doon at naabutan ang namumulang pisngi ni Devourha.

"Hmm?" Binitawan ko ang aking sign pen para malingon siya ng maayos. Makapal ang suot niyang eyeglasses, maputi ang balat, mahaba ang kulot na buhok at may katamtamang payat na pangangatawan. She's pretty, alright. Nga lang, medyo may pagkamahiyain kaya hindi gaanong lumilitaw.

"N-Naistorbo ko po ba kayo?" tanong niya.

I smiled. "Hindi naman. Bakit? Ano ba iyon?"

Umupo siya sa aking couch. Tumayo naman ako.

"Birthday po kasi ng nanay ko. Ayos lang po ba na medyo maaga akong mag-out mamaya? Promise, po! Tatapusin ko agad bukas lahat ng pinapagawa niyo-"

I chuckled. "Ano ka ba? S'yempre, ayos lang! Pakisabi nga pala sa mommy mo na happy birthday, ah?"

Tumayo siya at dalawang beses na yumuko, galak na galak sa pagpayag ko.

"Thank you, po, Architect Vionzo! Makakarating!" sabi niya't kumaway sa akin bago lumabas ng office.

Huminga ako ng malalim. Divi and I may be different person but I kinda remember myself during my intern days everytime I saw her doing the tasks I asked her to do. Para kasing noong nakaraan lang ay wala pa akong matinong trabaho at umaasa lang sa mga padala ni Mommy at bigay ni Daddy. But look at me now, a licensed architect.

It's been three years since I became an architect. Totoong malaking ginhawa ang napili kong landas. Malaki ang sweldo, at nakakatuwa ang mga projects na nagawa ko.

Sa tatlong taon, minsan na akong na-interview sa isang talk show. Base na rin sa history ko ng pagiging modelo, mas nakilala ako bilang isang arkitekto.

I don't want those two to be connected. Kasi magkaiba naman talaga ang landas na iyon. Both professional but I want them to be separated.

Anyways, papalapit na ang aming halloween party. Kanina lang ay napagplanuhan na namin ni Architect Ruil ang pamimili ng aming costume para rito.

Sana nga ay tuparin niya iyon! Nakita ko pa naman ang pagdadalawang-isip sa itsura niya kanina.

"May susuotin ka na sa party, Aria?" seryosong tanong ni Barron habang pinaglalaruan ng tinidor ang kaniyang pasta.

Kaming dalawa ang sabay na nagla-lunch ngayon dahil busy pa si Emm at sina Chichay, at Thalia.

Nagkibit ako ng balikat. "Wala pa nga, eh. Pero nakapagplano na kami ni Architect Ruil. Siguro bukas? Baka biglang may meeting kaya siguro lang." Natawa ako.

Tumango siya. Napansin kong medyo matamlay siya ngayon. Nasanay na rin kasi ako sa pagiging clingy niya.

"May problema ba?" nag-aalalang tanong ko pagkatapos uminom ng tubig.

Umiling naman siya. "Wala naman. Free ka ba mamayang gabi? Puwede ba tayong lumabas?" He then smiled faintly.

Kumurap-kurap ako. Well, free naman talaga ako mamaya. Gusto ko nga sanang i-text si Khing kung busy ba siya. You know, it's been three years but I still like... Uhm, I mean, love him. Kaso hindi na kagaya noon na parati akong umaasa sa kaniya.

Habang tumatagal kasi na kasama ko siya, nahinuha ko na tanging pagkakaibigan lang ang kaya niyang ibigay sa akin. Hindi ko naman alam kung may napupusuan na ba siyang babae. Kaso... I think he's still enjoying his single life.

Chasing Him, My Dream (Runway of Love #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon