Chapter 7

44 1 0
                                    

Chapter 7


Midst


HE WAS my first crush in college. Nakakatawang isipin na sa mura kong edad, nagkagusto ako sa lalaking mas matanda, mas matured, at mas successful na kaysa sa akin.

Napainom ako ng aking kape at tumayo na. Nag-unat ako ng katawan, braso, at hita para makapaghanda na sa aming break. Kanina pa ako rito paupo-upo lang sa gilid habang ang mga juniors ay nagtatawanan sa harapan ko, nagpapahinga galing sa puspusang pag-iinsayo.

"Miss Vionzo, puwede po ba'ng lumabas muna kami saglit?" tanong ni Cruzita, isang junior na kakasimula pa lang mag-training last week. She's so nice and friendly so I like treating her lightly than the others. Mas magaan siyang kausap kaysa sa ilan na medyo suplada at matigas ang ulo.

"Saan ka pupunta?" Inilapag ko ang aking kape sa table at sinenyasan ang iilang kasama ko na hintayin ako para sa lunch.

"Kakatapos lang po naming mag-lunch kaya naisipan naming bumili ng shake doon sa kabilang building, if... ayos lang po sa inyo-"

"Oh, no worries! Basta bumalik kayo before two PM para makapagpatuloy na tayo, hmm?" Nagtaas ako ng kilay kaya tumango si Cruzita at ang dalawa pang junior models.

Sunod-sunod silang lumabas ng studio habang ako naman ay lumapit na kina Dior, Kiara, Norleen, Antonette, at Maxine, na masayang nag-uusap sa may salamin, hinihintay akong matapos.

"Ano'ng sinabi no'ng dalawa?" gagad ni Antonette.

Nagkibit ako ng balikat at pinagbuksan sila ng pintuan. Balak naming mag-lunch sa isang restaurant tutal ay katatapos lang ng aming fashion week. Aaminin kong malaki rin ang kinita ko sa pagmomodelo.

"Bibili raw ng shake sa labas."

I am now working permanently as a model. Nakapagtapos na ako sa kurso ko, nga lang, kinausap ko si Mommy at Dad na gusto ko munang kumita bago magpatuloy sa aking propesyon.

Hindi naman sila kumontra sa desisyon ko. Tatlong taon na ang lumipas simula noong nakapirma ako ng kontrata sa Showzin.

"Tara na nga! Ang daming pinag-uusapan, eh, gutom na gutom na ako!" anang Norleen at nauna na silang naglakad ni Maxine.

Napahilot na naman ako sa aking balakang. Sobrang sakit nito! Dagdagan pa'ng mahihirapan kaming lumabas mamaya dahil sa tambak na media sa labas ng building! Kailangan pa naming lumusot sa maraming taong nakaabang sa labas!

"Ayan na! Hay naku, tuwing lalabas na lang iniistorbo tayo ng mga media! Okay lang sana kung mga fans, eh, kasi makokontrol pa naman pero itong... Hay ewan!" sunod-sunod na bulyaw ni Norleen sa hangin. Napailing ako nang makarating kami ng ground floor.

As expected, halos wasakin ng media ang salaming pintuan nang namataan nila ang paglabas namin.

My P.A., Mitch, handed me a black face mask and white cap. Yumuko ako dahil nakakasilaw ang flash ng mga camera. Malalaking bouncers ang humarang sa aming gilid at mabibilis ang lakad kaming lumabas.

"Kaunting interview lang po, Miss Aria-"

"Miss Norleen, kamusta ang injury ninyo sa paa?! Namamaga pa rin po ba kagaya noong nakuhanan ng picture last night sa fashion show?!"

Naririndi ako ngunit hindi ko magawang mainis. Trabaho nila iyan, ginagawa lang nila dahil naantasan silang gawin iyan. Pero... God, just a little bit of peace, please?!

"Pasok na ho kayo, Ma'am," anang personal body guard ko, si Kuya Leonel.

Diretso kami sa itim na van na pagmamay-ari ng Showzin. Halos itumba ng media iyon. Maraming tanong ang ipinaulan nila kay Dior. May kumakalat kasing issue na buntis siya. Hindi namin alam kung saan galing. And... How could she get preggy if she's always with us?! Parang binabakuran din kami ng guards and paparazzi so paano, right? Crazy, people! Kung anu-ano na lang!

Chasing Him, My Dream (Runway of Love #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon