Authors Note:
Hello Guys. Ito na. Maglalagay na ako ng mga POV ng ibang characters. Hindi ko alam kung mafaf***ed up ko yung story dahil dito pero hayaan niyo na. If you don't like my stories then go to sleep. NO BED TIME STORIES! HAHAHAHAHA. Biro lang. Ienjoy niyo sana. Wag niyo kong asahang gumawa ng isang matinong babae na character. Magiging boyish ito, pero fab.
-------------------------------------********************----------------------------------------------------
Michaella Rignasyo's POV
Iniwan ako ni Lin. Pinangatawan niya talaga ang sinabi niya kahapon. Biniro ko lang naman siya pero nagalit sa akin. Problema sa kanya napakapikon. Nakatapis ako ng tuwalya at nagtanong kanina kung nasaan si Lin at sinabi ni Mama na umalis na siya dahil matagal akong maligo.
"Kakaalis lang?" tanong ko kay Mama.
"Mga higit kalahating oras." sabi niya.
"Ay. Oo nga. Ang tagal kong maligo."
Pumunta ako sa taas, sa aking kwarto. Kinuha ko ang damit ko na kaaya-ayang pampasok. Checkered na damit at isang jeans. Wala namang patakaran ng uniform sa aming University kaya ok lang magsuot ng kung ano-ano. Maliban na lang sa pampokpok na damit. Ayoko namang tawagin akong "Attention Whore". Pagkababa ko, nakalimutan ko na hindi pa pala ako nag-aalmusal.
"Mag-almusal ka na." sabi ni Mama.
"Malelate na po ako. Kailangan ko na pong umalis." Uminom ako ng kaunti sa kape ni Mama at kumuha ng mainit-init na tinapay. Binuksan ko ang pinto habang nasa bibig ko ang tinapay. Hindi ko mabigyan pansin ang college life ko dahil napakaboring. Ang mga pangyayari sa aking buhay ay napakageneral. Pumupunta ako sa University para kapag lumipas ang panahon, mabubuhay ako sa mundong ito. Feeling ko wala nang ibang mangyayari, pero sana naman meron. Yung tipong may prinsepeng babangga sa akin at sasaluhin ako kapag bumagsak at magfeface to face kami. Magkakatagpuan ang mga mata namin, ang mata ni Roy Lores at lahat ng nasa paligid ko ay mag-iislow motion. Buong semester ako naghahanap ng ganun na pangyayari. Desperada na kung desperada, pero hindi naman ako mahilig magpapansin. May dignidad rin naman ako.
Nakarating na rin ako sa University. Mga nakikita kong tao ay may kasama at nag-uusap samantalang ako nag-iisang naglalakad papasok hanggang sa nakapasok ako sa room namin. Umupo na ako sa upuan at sakto lang ang oras ng pagkakapasok ko dahil sumunod sa akin ay ang aming professor. Magdamagan kaming nagdidiscuss ng "lesson for today" pero ang iba ay bored na bored. Hindi ko alam kung bakit pero kahit na parang wala ako sa mood lagi mag-aral naiintindihan ko ang mga tinuturo ng mga professor. Nakakakuha pa nga ako ng mga gradong 2 at 1. Mahika kung tutuusin pero *cough* *cough* normal lang sa akin yun *hysterical laugh*.
Natapos na ang bangungot ng ibang estudyante at mag-uuwian na. Ang ilan sa amin ay tatambay kung saan-saan at hindi ko pa rin trip umuwi. Naglakad-lakad muna ako papaikot sa University at tumambay sa court. Nagpapraktis ang cheering squad namin at sa kabilang dulo naman ay nagpapasa-pasahan ng bola ang mga athlete namin sa basketball. Nagdesisyon akong tumayo at maglakad-lakad ulit. Bumili muna ako ng snack sa cafeteria at naglakad sa hallway. Pagkaliko sa hallway, nakita ko si Roy Lores na may tinitignan sa information board. Bumalik ulit ako doon sa likuan at sumandal sa pader.
"Ito na ba ang pagkakataon? Lalapit na ba ako sa kanya?" inilagay ko ang handbag ko sa aking mukha at nasasabik ako kung ano ang pwedeng mangyari. Nagdesisyon na akong lumapit sa kanya, pagkaliko ko ulit biglang may katawang bumangga sa akin. This is it.
Napapikit ang mata ko. Para akong nag-iislow motion, anytime sasaluhin ako ni Roy at magkakatinginan kami. Dream come true na ito. Para akong papel na lumilipad sa hangin. Iniimagine ko habang bumabagsak ako kung ano ang mangyayari pagkatapos niya akong masalo. Yayayain niya ba ako sa labas? Ihahatid niya ba ako papauwi? Gaano kaya kami katagal magkakatinginan? Hindi ko alam kung nakangiti ako habang bumabagsak. Wala talaga akong pakielam sa mga nangyayari sa paligid ko, ang contact ko lang kay Roy yung inaatupag ko. Feeling ko may liwanag na lalabas at kukunin kaming dalawa. Hindi ko alam kung bakit comfortable akong bumabagsak siguro kasi alam kong sasaluhin ako ni Roy.
BINABASA MO ANG
DALAWANG KULAY NG TAPAT
RomanceHeartbreaks will make you mad. Of course it will. But the good part of it is there will be someone that will come to you to ease your madness. Lumipat ng bahay sila Lionel "Lin" Rignasyo sa White Village at hindi niya inexpect ang mangyayari sa k...