Lionel's POV
Lumilipad ng letra at numero sa classroom. Parang nagsasalita ng ibang lenggwahe ang aming guro ngayon sa mathematics. May mga naiintindihan ako pero nasa mahirap na kaming word problem. Nasa kalahati pa lang kami ng kanyang oras ngunit parang ang dami niya nang nasabi. Tumingin ako sa gilid ko at nakita si Robert na nagsusulat. Imposible, si Robert nagsusulat ng notes? Tinignan ko ng mabuti kung anong ginagawa niya. Sinabi ko na nga ba hindi siya nagsusulat. Nagdadrawing siya ng mga kung ano-ano sa likuran ng math notebook niya.
"Class." sabi ni Mrs. Dopreti. Narinig namin lahat ang kanyang sinabi dahil nakalapel siya. Karamihan sa amin ay tulog pero nagising kami dahil tinawag niya kaming lahat. Parang "attention" lang sa sundalo. "May meeting ako ngayon. Magbibigay ako sa inyo ng mga sheets of questionnaire. Find either the height, the length of the given object, or the angle of elevation or depression." lahat kami nagow. Hindi namin inexpect na may papagawa si Mrs. Dopreti. Naglakad si Mrs. Dopreti papunta sa pinto pero napahinto siya bago lumabas. "Nakalimutan kong sabihin, form your own group consisting of 3 members to solve the problems." nacheer-up kami sa sinabi ni Maam. "Wag kayong maingay habang gumagawa, Ms. Figirinni ikaw na muna mamahala." umalis ang guro namin sa math at kanya-kanya silang naghanap ng mga kagrupo. Automatic nang kagrupo ko si Robert ngunit kulang pa kami ng isa.
"Si Roxy!" sabi ni Robert.
Tumingin kami kay Roxy pero napapalibutan na siya ng mga kaklase namin.
"Ang dami nang nagyayaya sa kanya. Maghanap tayo ng iba." sabi ko kay Robert. "Sino ba?"
"Si Mary Bell Figirinni. Kailangan natin ng magaling sa math. Baka wala pa yung kagrupo. Tsaka kumuha ka na rin ng questionnaire sa kanya." sabi sa akin ni Robert.
Pumunta ako kay Mary Bell pero nakaindian sit na siya kasama sila George Sta. Monica at si Hazel Patricio. Silang tatlo ang pinakamagagaling sa math sa amin.
"Mary Bell." tinawag ko siya.
Tumayo siya. "Oh?" ipinulupot niya ang kanyang braso sa sarili niya. Hindi ko alam kung bakit maraming tao ang ayaw sa kanya. Siguro dahil sa paraan kung paano siya mag-act. Meron siyang mahabang brownish na buhok at maayos na pagkakalinya ng kilay. Manipis ang kanyang labi at hindi ganoon kahaba ang kanyang mukha. Maraming nagsasabing maganda siya kung hindi lang siya masungit.
"Naghahanap kami ng kagrupo ni Robert." tumingin ako sa likod niya. "Pero mukhang may kagrupo ka na. Kukuha na lang ako ng questionnaire." binigyan niya ako ng papel at bumalik na lang ako kay Robert para sabihing may kagrupo na si Mary Bell. Pagkabalik ko doon, nakita ko si Roxy na nakaupo sa upuan ko.
"Ang tagal mo namang bumalik." reklamo ni Roxy.
"Kumpleto na tayo!" sigaw ni Robert.
"Nag-abala ka pa't sa amin ka pa sumama. Ang daming nagyaya sayo kanina. Mukhang math genius ka ata." sabi ko kay Roxy.
"Hindi naman nila ako kailangan para sa math. Kailangan nila ako para may pampalipas sila ng oras sa math." hindi ko naintindihan kung anong sinabi ni Rox.
"Tanggalin natin ang mga upuan. Sa sahig tayo gagawa. Ito na ang questionnaire." ibinigay ko kay Robert ang papel.
"Hieroglyphics ba ito?" nakatitig si Robert sa papel at parang nakita niya ang hinaharap sa kanyang itsura. Inayos namin at inalis ang mga upuan at sa sahig kami gumawa.
"Paano ang hatian?" tanong ko. Kinuha ko ulit ang papel at nakitang may 10 na tanong. "Alam ko na kung paano." Naglabas ako ng ballpen at nagpunit ng papel sa notebook. "Robert problem number 1, 4, and 7." hindi nagreklamo si Robert. "Roxy problem number 2, 5, and 8." sumilip si Roxy sa gagawin niya. "Ako sa 3, 6, tsaka sa 9. Pagtutulungan natin yung 10. Magsimula na tayo."
BINABASA MO ANG
DALAWANG KULAY NG TAPAT
RomanceHeartbreaks will make you mad. Of course it will. But the good part of it is there will be someone that will come to you to ease your madness. Lumipat ng bahay sila Lionel "Lin" Rignasyo sa White Village at hindi niya inexpect ang mangyayari sa k...