Kaharap ko siya ngayon, yung babaeng hinahanap-hanap ko kahapon. May gusto akong makita sa kanya at hindi ko alam kung ano yun, yung pagkaway niya, itsura, ngiti, mata, presensiya niya. May gf na ako kaya wala akong ibang balak sa kanya, may mga bagay lang na gustong malaman ng utak ko. Ngumingiti siya ngayon at napakasama ko namang tao kung hindi ako ngingiti. "Hello!" sinabi niya sa aming dalawa ni Ate Mika pero nakatingin siya sa akin at hindi ako makatingin sa kanya ng deretso. Nakatayo siya sa harapan ng kainan at nakikita mong makikisali siya sa aming pagsasalo. Hindi ko na itinanong kay Mama at Papa kung anong ginagawa niya rito, sa totoo lang hindi ako makapagsalita sa harapan niya. Mahiyain ako kapag hindi ko kilala ang taong nasa harapan ko.
"Lin, Mika, kilala niyo na ba ang kapit-bahay natin?" sabi ni Mama. "May psychic power talaga ako kaya kilala ko na siya." sabi ni Ate Mika, dinadaan niya na lang sa pagiging sarcastic yung mga nangyayari sa kanya. "Anong problema ng ate mo ngayon?" tumingin sa akin si Mama at alam kong nanunuod sa amin ang aming bisita. Ibinuka ko na ang aking bibig nang biglang tinakpan ito ni Ate ng kanyang kamay at inakap ang ulo ko. "Wala akong problema, gutom lang talaga ako." sabi ni ate, pumipiglas na ako at bago pa niya ako mapatay, pinakawalan niya na ako.
"Nakalimutan ko ang ating bisita." sabi ni Mama. "Lin, Mika, si Roxy Nagalusan" tumayo si Mama sa kainan at lumapit kay Roxy.
"Roxy Naguslang po" sabi niya.
"Hello, Roxy Nagus" sabi ni Ate Mika.
"Kasama po yung lang sa apelyido ko." ngumiti siya kay Ate Mika
"Hello, Roxy Nagus ... lang? Michaella Rignasyo, babaeng laging friendzone, pwede mo kong tawagin na panget wag lang hoy, mas nakakabastos yun" lumapit si ate sa kanya at nagbeso sila.
"Nice to meet you po." iisa lang ang makikita mo sa mukha niya. Ngiti.
At ngayon ay ang aking oras para magpakilala pero ayaw akong palakarin ng hiya ko. Katulad ni Ate Mika, nakapula siyang damit at jeans at nakikita mo sa kanya na kakarating niya lang galing sa labas dahil ayos na ayos siya. Pula ang kanyang labi at namumula ang pisngi niya dahil sa make-up. Hinila ako ni Ate Mika at mukhang alam niya ang nararamdaman ko ngayon.
"Kapatid ko, Si Lionel Rignasyo, pwede mo siyang tawaging Lin o kaya hoy, bahala ka na" sabi ni ate kay Roxy.
"Hi" Itinaas niya ang kamay niya at maganda siya kahit na malapit ka sa kanya. Lalong nagpapaganda sa kanya yung ngiti niya at hindi ko pa nakikitang ibaba niya ang mga labi niya.
"Hi" Sabi ko sa kanya. "Roxy Naguslang, nice to meet you." sabi naman niya sa akin.
"Nice to meet you too" sabi ko at sinubukan ko ang lahat para magmukhang tao sa ngiti ko. Iniabot ko ang kamay ko at nagshake hands kami. Binitawan ko siya agad dahil pasmado ako. Hanggang sa maaari ayokong lumapit sa kanya dahil amoy pawis na ako.
Umakyat muna ako sa taas para magpalit ng damit, nagpalit ako ng t-shirt na itim at shorts na maayos. Pagkababa ko'y nagsisimula na silang umupo sa kainan. Napansin ko na si Roxy lang ang nasa bahay namin at wala ang mga kasama niya sa bahay. Pagkaupo ko sa kainan ay nagsimula na kaming magdasal bago kumain.
"Nasaan pala mga kasama mo sa bahay?" Sabi ni Ate Mika. May psychic power talaga itong si ate, alam niya yung mga iniisip ko. "Aa. Sila ba? Umalis sila habang wala ako kaninang madaling araw. Namasyal daw muna sila kasi malapit na ang pasukan." Sabi ni Roxy sa kanya. "Hindi nila ako sinama, nakakatampo nga sila." Kaya pala sarado ang bahay nila kasi walang katao-tao.
Natapos na kaming kumain at hindi makauwi si Roxy kasi wala pang tao sa bahay nila. Niyaya ni Ate Mika si Roxy sa kwarto niya habang wala pa ang mga kasama niya sa bahay. Para silang magkambal dahil hindi magkalayo ang height nilang dalawa at parehas pa silang nakapula. Umakyat sila at umakyat na rin ako. Nagbasa na lang ako ng libro upang maiba naman ang pumasok sa isipan ko. Naglock ako ng pinto para makapokus ako sa binabasa ko pero naririnig ko ang tawanan ng dalawa sa kabilang kwarto. Hindi ako mapakali, baka kinekwentuhan siya ni Ate Mika ng mga nakakahiyang pangyayari tungkol sa akin.
BINABASA MO ANG
DALAWANG KULAY NG TAPAT
RomanceHeartbreaks will make you mad. Of course it will. But the good part of it is there will be someone that will come to you to ease your madness. Lumipat ng bahay sila Lionel "Lin" Rignasyo sa White Village at hindi niya inexpect ang mangyayari sa k...