"Lin, mamasyal muna kayo ng ate mo. Maglilinis pa kami ng bahay. Wala ka pa namang natutulong na gawaing bahay dito." tumingin ako kay Mama ng masama. Ayokong maglinis dahil sinisipon ako. Puno ng alikabok ang bahay.
Makikita mo yung lawak ng bahay na may living room, kainan (importante yan), hiwalay yung kusina, at banyo. Pero doon sa ikalawang palapag, may limang kwarto na sasalubong agad sayo. Kasya ang dalawang tao na magkadikit sa corridor. Kwarto ni ate katapat ng kwarto ko, kwarto ni Lolo katapat ng kwarto ng kamag-anak naming babae na tumutulong bilang kasambahay, at sa pinakadulo ng corridor yung kwarto nila Mama't Papa. Hindi pa ayos yung mga gamit namin sa taas at baba kaya mamamasyal muna kami sa labas. Pangalawang beses pa lamang kami nakakapunta dito sa White Village pero nung unang pagpunta'y hindi kami naglibot sa kadahilanang napakainit sa labas at tinatamad kami, sobra.
Pagkalabas ng bahay ay makikita mo yung apelyido namin na nakaukit sa asul na gate, "Rignasyo". Mapapatingala ka sa laki ng bahay hindi katulad doon sa Brgy. Hinidro. Isa sa mga advantage ng lugar na ito'y malaki. Pwede kang magharot nang magharot na hindi ka nauuntog sa pader, o kaya yung pinakamaliit na daliri mo sa paa'y mabugbog. Katulad rin ng ibang bahay, puti ang kulay ng aming pader. Hindi mo masisisi dahil sa pangalang White Village.
Limingon ako at nakita ko ulit yung bahay na katapat ng amin. Hindi gaano kalayo ang itsura nito kaysa sa bahay namin, mukha ngang pare-parehas bahay dito sa white village. Sarado na lahat ng ilaw kahit 5:00 pm pa lang at hinahanap ko yung dalaga kanina. Naalala ko tuloy si Leana. Ano na kayang ginagawa niya ngayon? "Hoy! Bilisan mo, medyo inaantok na ako. Sarado na yung kabilang bahay at gusto ko na ring matulog. Magbebeauty sleep pa ako." kinuha ni Ate Mika yung atensyon ko. "Beauty Sleep? Maghibernation ka para gumanda." hindi niya na lang ako pinansin at nagsimulang maglakad.
Naglibot na kami ni Ate Mika sa White Village. Hindi na namin pinuntahan yung entrance kasi alam na alam na namin yung part na iyon. Isa lang yung pasukan sa White Village pero meron silang dalawang gate. Yung unang gate, nandoon nakaukit yung pangalang "White Village" at kapag pumasok ka doon wala kang makikita kung hindi daan. Para saan pa yun? Lalo lang humaba yung daan papasok ng village. Pero sabi nila may silbi daw yung daan na yun na tinatawag nilang "Red Carpet", kapag may paparating daw na bisita, malalaman agad at makakapaghanda sila para umayos sa kanilang mga tahanan. Mga isang kilometro ang haba papunta doon sa pangalawang gate. Sa pangalawang gate nandoon naman yung guardhouse. Nagbabantay doon si manong security kahit na nakayuko siya't nakapikit ang mata.
Malaki ang white village. Maayos yung pagkakalinya sa mga bahay. Napuntahan namin yung cover court sa pinakababang bahagi ng village at pagkatapos ay pumunta kami sa club house na ilang kalye lang para makarating. Inaakyatan ng mga bata yung abandonadong clubhouse at humihiga sila sa bubong, nasaan kaya mga magulang nito? Nilibot namin ang buong paligid at napansin namin na ang White Village ay isang malaking parisukat na hinahati ng bawat kalye na may magkakatapat na bahay. Bandang kanan at unahan ang lokasyon namin sa village, mataas at onti pa lang rin ang mga taong nakatira sa bahay na malapit sa amin.
Naisipan na naming bumalik sa bahay at bandang 6:00 pm na. Pagkarating namin doon ay kumakain sila sa sahig. Hindi pa nila kinukuha yung lamesa namin sa Brgy. Hinidro. May mga kumakain sa hagdan, doon sa kusina, at nawalan ako ng ganang kumain. Kinuha ko na lang yung chichirya sa plastik bag at pumunta sa kwarto ko. Ang kwarto ko'y nasa bandang harapan ng bahay kaya kitang-kita sa bintana yung katapat naming bahay. Naririnig ko si Papa na tinatawag ang pangalan ko "Lionel Rignasyo, kumain ka ng kanin! Baka magka-ulcer ka niyan!". Hindi ko siya pinansin at bumalik sa pagtingin sa bahay sa tapat. Wala kang makikitang nakasinding ilaw at ang tahimik ng lugar. Muling pumasok sa isipan ko si Leana, gusto ko siyang makausap sa aking nararamdaman, pero hindi ko magawa. Tumingin ako sa dilim ng kalangitan at hindi ko napansin na nakatulog ako katabi ng bukas na chichirya.
BINABASA MO ANG
DALAWANG KULAY NG TAPAT
RomanceHeartbreaks will make you mad. Of course it will. But the good part of it is there will be someone that will come to you to ease your madness. Lumipat ng bahay sila Lionel "Lin" Rignasyo sa White Village at hindi niya inexpect ang mangyayari sa k...