Nakuha na namin ni Roxy yung pinagawa namin sa programmer kahapon. Katulad ng dati, kasama ko siyang pumunta sa university pero kabisado na namin ni Roxy kung saan yung mga pasikot-sikot kaya naging madali na lang sa amin ang pagpunta. Inexplain lahat ng programmer ang mga ginawa niya pero kami ang mag-aapply sa sarili naming laptop. Binigay niya ang application at instruction kung paano namin ikakabit ang laptop sa aming device na gagamitin. Nagdecide kami ni Roxy na gagamitin namin ang laptop bilang cardiac monitor. Sa application na binigay, sinundan ng programmer na maraming mga function ang ipapasok niya. Sinabi niya unang-una ang cardiac monitor, meron ding ultrasound, at iba pang hospital terms na hindi ko maintindihan. Pero hindi pa kumpleto ang mga nakapaloob sa application namin.
Pinapunta ko si Roxy sa bahay para ayusin ang proyekto namin dahil bukas na ibibigay ang entry kay Sir Steve para makasali kami. Magdadapit-hapon na pumunta si Roxy sa amin.
"Dala mo?" tanong ko sa kanya. Inayos ko ang paggagawan namin. Magtatrabaho siya sa kainan at ako naman sa living room.
Inilapag niya ang kanyang bag at binuksan. Naglabas siya ng isang unan at nilabas niya ang kanyang laptop. "Dala ko."
"Magkapit-bahay lang tayo bakit may dala ka pang bag?" Binuhat ko ang dala niyang laptop gamit ang kaliwa kong kamay at nakaalalay naman ang kanan kong kamay. Hindi na nakasabit ang kanang kamay ko pero may benda pa rin. Medyo masakit pa at para akong may boxing glove na gawa sa tela. Bumungad sa akin ang wallpaper niya. Si Roxy na nakapose sa camera. This is a different Rox. This is much more adult-looking. With make-ups, fierce look, and her black dress. Sinaksakan ko ng usb ang laptop niya.
"Dahil magiisleep-over naman tayo dito kaya marami akong dinala." tinapik niya ang bag niya. "Hindi ko naman bubuhatin lahat yan gamit ang mga kamay ko. Tinulungan ako mag-impake ni Mama at sinabi niyang mag-ingat ako sa pag-alis." tumawa ako at ngumiti siya.
"Hindi tayo matutulog." sinabi ko sa kanya ng walang pag-aalinlangan.
"You mean we will cancel the sleep in sleep-over? That means we're over Lin, right?" binuhat niya ang kanyang buhok papunta sa kanyang ulo gamit ang dalawa niyang kamay at binitawan niya ulit.
"Magdamagan tayong gagawa. Since late naman tayong nagsimula ng project natin, we'll take the consequence." inilagay ko ang document na ginawa ko sa laptop niya. "Anong mga laman niyang bag mo?"
Isa-isa niyang nilabas lahat ng laman ng bag niya. "Ito. Toothbrush, perfume, sabon, suklay, Si Mr. Choochies. Wait lang..." inilabas niya ang isang stuff toy na penguin at naghalungkat pa siya sa bag. "At picture naming dalawa ni Mama." Nilabas niya ang picture nilang dalawa na nakaframe. Hindi ko napigilan ang sarili kong tumawa nang malakas at humawak sa aking tiyan.
"What? Si Mama naglagay ng mga gamit dito." sabi ni Roxy na tumatawa sa bawat salita na binibitawan niya. Inilagay niya ulit ang mga gamit niya sa bag. "By the way, anong nilagay mo sa laptop ko?"
"Papers natin. Kasama yan sa ijajudge sa science fair." sabi ko sa kanya. Kinuha ko ang bag niya at inilagay sa isang gilid para makaupo siya.
"Tapos na?" nakangiti niyang sinabi.
"That's the sad part. But the good part is, you'll make us happy!" kinuha ko ang laptop niya at binigay sa kanya. "I'll connect the laptop from the device and I will manipulate the application. And you..." binuksan ko ang document sa laptop niya. "You'll continue the papers that I made." ngumiti ako sa kanya.
"But, but, I have no idea how to write one." sinabi ni Roxy. Umupo siya't inilapag ang laptop niya sa kanyang lap.
"That's why I have a guide here." binato ko sa kanya ang patong-patong na mga bond paper at kanyang nasalo.
BINABASA MO ANG
DALAWANG KULAY NG TAPAT
RomanceHeartbreaks will make you mad. Of course it will. But the good part of it is there will be someone that will come to you to ease your madness. Lumipat ng bahay sila Lionel "Lin" Rignasyo sa White Village at hindi niya inexpect ang mangyayari sa k...