Robert's POV
Nakita ko si Lin na nakatayo sa unang gate ng White Village. Sinabihan niya ako kahapon na pumunta sa kanila ng lunch para pag-usapan ang gagawin namin sa Science Fair. It's a good thing na sisimulan na namin ang pagbebrainstorm dahil pagkatapos ng linggong ito, mag-aayos na sila ng school dahil gaganapin na ang science fair. Gustong seryosohin ni Lin itong gaganapin na science fair dahil ang siyensya ang pinakagusto niyang subject. Halata naman sa kanya dahil ang galing-galing niya sa science. Manilaw-nilaw ang lupa dahil sa liwanag ng araw at tagaktak ang pawis sa aking balat. Naglakad si Lin papunta sa akin.
"Samahan mo ko. Bibili lang ako ng ulam doon sa kanto." sabi ni Lin. Para akong nawalan ng buto sa hita dahil sa sinabi niya.
"Ang init Lin. Hindi ko na kaya." actually, ayaw ko lang talagang maglakad at sumama sa kanya.
"Mabuti na lang at may dala akong payong." Oh God.
Sinamahan ko si Lin na bumili ng ulam sa maliit na karinderya. Hindi masyadong kalayuan sa unang entrance ng White Village kaya wala akong naging problema sa paglalakad.
"Lin, bakit ka pala bibili ng ulam?" tanong ko sa kanya. Si Nanay Tilda ang nagluluto sa kanila at ngayon ko lang sila makikitang kakain ng pagkain galing sa labas.
"Hindi nakapamili si Mama kaya hindi makapagluto si Nanay Tilda." sagot ni Lin.
Pumili kami ng ulam sa mga nakapilang pagkain sa karinderya. Halos lahat nakakatakam ang itsura. Sa amoy at sa itsura, nagwala ang tiyan ko. Hindi pa ako nakakakain noong umalis ako sa bahay kanina. Sinabi kasi ni Lin na sa bahay na lang nila ako kumain. Bumili si Lin ng Bicol Express para sa aming ulam mamaya. Binayaran niya ang binili namin at kinuha ang supot sa ale. Pumunta na ulit kami sa entrance. Ang Red Carpet ay parang mahabang daan papunta sa impyerno dahil sa init ng panahon. Ako ang naghahawak ng payong ni Lin. Kahit ganito ang init ngayong araw, may mga naglalakad pa rin na mga tao sa Red Carpet, paalis at papasok.
"Ang bagal mo namang maglakad Babs." reklamo ni Lin.
"This is my normal walk Lin. Hindi ka na nasanay sa akin." hindi ko rin alam kung bakit ganito ako kabagal maglakad. "By the way, hindi ko pa nakikita ang bahay nila Roxy. Malapit lang talaga kayo?"
"Magkalapit lang kami." sagot niya.
"Malapit na malapit?" tanong ko ulit. Iniimagine ko na nakatira sila sa iisang bahay dahil sa pagiging close nila sa isa't-isa. Si Roxy laging nakadikit kay Lin kaya naging madali sa akin na makilala ko si Rox, a funny girl yet a beautiful one. Tapos si Lin, nakikita ko ang nakakatawa niyang itsura kapag naaasar na siya kay Roxy. He wants to be alone sometimes but Roxy choose not to. Alam ko na may gf dati si Lin at nalaman ko na rin na wala na sila, matapos kong malaman kay Jinx. Hindi niya sa akin sinabi dati kung anong problema niya kasi ayaw niyang may nakakaalam kung anong nagpapabigat sa kanya, kahit pamilya o kaya best friend niya. Matapos mangyari ang lahat, napanganak ang bitter na si Lionel Rignasyo. Lumalamig ang mata niya kapag may nakikita kaming magkasintahan. Minsan nakayuko siya at parang naghahanap ng paraan kung paano huhukayin ang lupa. A best friend knows that his buddy is crying inside his smiling face. I know it all.
"Malapit na malapit." sagot ni Lin. Sumasabay sa akin si Lin sa paglakad dahil ayaw niyang nauuna siya dahil alam niyang maghihintay siya ng matagal kapag siya ang nauna.
"Papuntahin natin si Roxy sa bahay ninyo." sabi ko kay Lin.
"Oh no. Pagsisisihan mo yang sinabi mo. Manggugulo lang yun sa bahay Robert." umiiling siya.
"May ginagawa ba si Roxy ngayon?" tanong ko sa kanya.
"Yeah. She minds her own world."
"I don't have any world." tumingin kami sa likod at nakita si Roxy na nakalugay ang buhok sa ilalim ng isang violet na cap at may dala-dalang grocery bag. Nakasuot siya ng shorts at isang normal na t-shirt. "Lin, catch!" binato niya ang grocery bag kay Lin at sinalo ni Lin ang bag na nagpapanick. "Thank you."
BINABASA MO ANG
DALAWANG KULAY NG TAPAT
RomanceHeartbreaks will make you mad. Of course it will. But the good part of it is there will be someone that will come to you to ease your madness. Lumipat ng bahay sila Lionel "Lin" Rignasyo sa White Village at hindi niya inexpect ang mangyayari sa k...