Chapter 16: If

52 0 0
                                    

 Lionel's POV


Nasa harapan si Sir Steve, sinisimulan ang kanyang oras sa pagpapaalala sa amin sa nalalapit na science fair. Maagang nakaalis si Ms. Johann Red, teacher namin sa english, dahil may emergency siyang pinuntahan. Hindi ako nakatingin kay Sir Steve, nakatingin ako sa bakanteng upuan sa tabi ko. Upuan ng baboy. Umalis si Robert papunta sa kanilang probinsya para sa lamay ng kanyang lolo. Mahigit isang linggo sila sa probinsya para sa lamay. Sila at ang dalawang tita niya na lang ang natitirang kamag-anak ng kanyang lolo at sila ang mamamahala para sa burol. Hindi nagsasalita si Robert itong tatlong araw bago siya umalis, hindi niya agad sinabi na aalis siya. Kakaiba ang kinilos ni Robert at halatang-halata na ayaw niyang sabihin na pupunta siya sa probinsya dahil alam niyang mag-aaway kami.

"Robert, mas magagalit pa ako kung hindi mo agad sinabi!" nasa waiting shed na kami noon pauwi, naghihintay na sumakay si Robert, at nanonood lang sa amin si Roxy.

"Tignan mo, galit ka na." sinabi niya. May dumaan na jeep na pwede niyang sakyan pero hindi siya sumakay dahil gusto niya akong makausap.

"Ewan ko sayo." nagtampo ako sa kanya. Hindi ko aakalain na mas pipiliin niyang sabihin sa akin na pupunta siya sa probinsya sa araw na malapit na siyang umalis. Kahit hindi pa siya nakakasakay, tumalikod ako at naglakad papunta sa kabilang kalsada.

"Lin!" tili ni Roxy. "Wait lang!" hindi ko sila pinansin dahil nababalot ako sa tampo. Gusto kong umuwi at itulog ang lahat. Sumunod sa akin si Roxy at sumabay sa pag-uwi.

Nagtext si Robert kay Mama. Lin, pagpasensyahan mo na ako. Hindi ko rin inexpect na aalis ako. Naiintindihan ko na galit ka ngayon, pero sana naman intindihin mo ko.

Kinausap ako ni Mama tungkol kay Robert at sinabing kailangan kong ilagay ang sarili ko sa sapatos niya. Kaninang umaga, hiniram ko ang cellphone ni Mama, dahil wala akong phone, para itext si Robert.

Rob, Lin ito. Pasensya na kung nagalit ako. Btw, hindi na ako galit. Nadala lang ako ng tampo ko. Wag na tayong mag-away, please. Maghihintay kami sa pagdating mo.

"Umalis si Robert ngayon para puntahan ang namayapa niyang lolo." sinabi ni Sir Steve, kinuha niya lahat ng atensyon ko. Tumingin sa akin si Sir Steve at nagpatuloy sa pagsasalita. "Mawawalan ng kapartner ngayon si Lionel para sa science fair. Magbaback-out ka ba o itutuloy mo ang entry na mag-isa?" narealize ko na ako ang kinakausap ni Sir Steve. "Mahihirapan ka kung mag-isa ka lang, maliban na lang kung meron ditong wala pa ring kapartner." Tumingin si Sir Steve sa mga kaklase ko kung merong magtataas ng kamay.

Walang nagtaas ng kamay. Mukhang lahat na ng kaklase ko meron nang mga kapartner. May mga kaklase akong hindi sasali dahil magfafacilitate sila, samantalang ang iba naman ay sasali sa ibang contest.

Tumingin ulit sa akin si Sir Steve. "Ano nang desisyon mo Lionel?"

Nag-isip ako ng mabuti. Naisipan kong wag na lang sumali dahil sobra-sobra ang pressure na makukuha ko. Pero minsan lang ako sumali sa mga ganitong event at sayang ang pagkakataon. Pero wala si Robert. Nakapagdesisyon na ako.

"A-"

"Sir!" napahinto ako sa sasabihin ko. Nakataas ng kamay si Roxy.

"Ano yun Ms. Naguslang?" tanong ni Sir Steve.

"A-ako po. Wala pa pong kapartner." what?

"Okay, kayo nang magpartner dalawa. Kailangan niyo nang kumilos para maipasok ninyo ang entry niyo." sabi ni Sir Steve habang ipinalakpak niya ang kanyang kamay ng isang beses.

Tumingin ako kay Roxy na hanggang ngayon nakataas pa rin ang kamay. Maya-maya ibinaba na niya ang kanyang kamay. Nagsimula nang magdiscuss si Sir Steve ng kanyang lesson. Natapos na ang oras ni Sir Steve at umalis na siya, pinuntahan ko si Roxy sa kanyang upuan.

DALAWANG KULAY NG TAPATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon