Chapter 8: Si Manong

28 0 0
                                    

        Si Roxy, nakatayo ngayon sa harapan ng klase. 

        "Hello, I'm Roxy Naguslang. Glad to meet you all." 

        Tinatapik ako ni Robert. 

        "Oy. Lin, isara mo yang bibig mo."

         Nakabuka bibig ko, sa sobrang pagkagulat sa pagpasok ni Roxy sa room. 

        "Si ... si ... si ... r ... ro" hindi ko mabuo yung sasabihin ko. 

        "Si Roxy Naguslang? Kakasabi niya pa lang pangalan niya." sabi ni Robert 

        "S .. s ... s ... Si Ro ... Roxy Naguslang." ulit kong sinabi. 

        Tumingin si Robert kay Roxy na nakangiti sa harapan ng klase at ibinalik niya ang tingin sa akin, pero ibang titig na ang ipinakita niya. May pinapahiwatig ang titig niya sa akin at nakangiti siya. 

        "Wag mong sabihin ... " 

        "Fuck you. Hindi ganun yun." 

        " ... natatae ka." tuloy ni Robert. "Ayaw mo kong patapusin. Dumeretso ata pagsasalita mo."

        "Fuck you, Robert. Fuck you." ibinulong ko sa kanya para damang-dama niya. 

        "I know. I love you, too." Nag eye-to-eye contact kami at pinakita niya na naman sa akin yung nakakaloko niyang ngiti. Hindi ko na rin maiwasang tumawa. 

        Ibinalik ko na ang walis doon sa lagayan at umupo. Hindi ko pa nakikitang tumingin sa akin si Roxy, hindi pa niya ako napapansin. Napansin ko na ang mga lalaki sa classroom ay hindi matanggal ang pagtingin sa kanya, pati yung ibang babae. Hindi mo sila masisisi, ganun talaga kapag maganda ka. Mas okay sa kanya kapag wala siyang make-up. 

        "Okay, class. We have our new classmate, Roxy Naguslang. Nice meeting you, too. Mahigit isang taon tayong magkakasama dito kaya wag kang mahiya sa kanila." 

        "Okay, Sir ..." 

        "Ah. Sorry. Hindi pa pala ako nagpapakilala. I'm Mr. Steve Desmond Tepulong, adviser ninyo at teacher sa science." 

        "Mr. Steve." 

        "At ngayong kilala mo na ako, pwede na kitang utusan." kiniskis niya ang dalawa niyang kamay na parang may binabalak siyang masama at itinuro niya ang upuan sa may dulo, sa bandang kanan na dalawang upuan na layo sa upuan ko. 

        "Bakanteng upuan ang nandoon and that is your official seat." 

        "Aye, sir." 

        "Take your seat. Magsisimula na tayo." 

        Umupo na si Roxy sa upuan niya at kalahati ng class nakatingin sa kanya kahit ang ulo nila'y nakaharap kay Mr. Tepulong. Hindi pa rin nila matanggal ang pagtingin nila kay Rox. 

        Nagbell na't natapos na ang klase namin. Ang iba'y handa nang umuwi samantala ang iba naman ay may gagawin pa sa loob ng classroom. Dinumog ng mga kaklase ko si Roxy, lalaki pati na rin ang ibang babae. May mga grupo ng babae na hindi siya dinumog at nag-aapoy ang mata nila kay Roxy. Hindi na namin pinuntahan si Roxy kahit na gusto ring makisali ni Robert sa mga tao. Inayos ko muna ang mga notebook na pinagsulatan ni Robert at nilagay na sa bag. Umalis na kami sa classroom at nagsimulang bumaba ng building. 

        "Babs, salamat pala sa lectures." sabi ko kay Robert

        "Malaki ang utang na loob mo sa akin. Feeling ko nga pumayat ako dahil sa bag mo." 

DALAWANG KULAY NG TAPATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon