Chapter 3: The Prince

8.1K 342 13
                                    

Ava

Nagising ako dahil sa ingay sa labas. Seryoso, palagi bang maingay dito, napagod ako sa pag-iikot dito.

"Lady Aveonna, gising ka na pala. Mag-ayos ka na. " bago pa ako makapagsalita ay dinala na nila ako sa bathtub, ang daming nag-aayos sa akin

"Anong meron? " tanong ko.

"May dumating po kayong bisita, " nakangiting sagot ni Biñia.

Base sa pag-aayos nila at dami ng mga taong nag-aayos sa akin, siguradong importanteng tao ang bisita ko. At isa lang naman ang importanteng tao sa buhay ni Aveonna at sa buong kaharian.

Ang prinsipe.

"Hindi ko naman kailangang mag-ayos, what's the point? " sabi ko na lang.

"Hindi niyo lang po maalala. Pero kapag po bumibisita siya ay gustong-gusto niyo po na kayo po ang pinakamaganda sa lahat ang ayos niyo. " nakangiting sabi ng isa pang nag-aayos sa akin.

First of all, si Aveonna talaga ang pinaka maganda sa lahat dito. Di nga lang nila pansin dahil sa sama ng ugali niya. Pangalawa, never naman siyang papansinin nung male lead for some unknown reasons. Wait? May book two ba ang novel na binabasa ko o sa sobrang himbing ng tulog ko ay binabago ko na ang plot ng istorya?

Kung tama nga ang hinala ko, atleast ito ang panaginip ko.

Matapos kong makapag-ayos ay lumabas na kaagad ako.

At doon nakita ko siya sa malayo, nakatingin ito sa akin at tila ba puno ito ng galit.

Saang parte na ba ako ng istorya? Bakit para bang may mga parte na akong hindi maalala. Kailan nga ba nag-umpisa ang galit niya sa akin? Anong chapter na ba ako?

Iniwasan ko siya ng tingin at umiba ng direksyon. Sinundan naman ako ni Biñia na tila may takot.

"Lady Aveonna, saan ka pupunta? " tila takot na takot na sabi ni Biñia.

"Sa library, " tipid kong sagot.

"Andyan ang prinsipe sigurado akong pinuntahan ka talaga niya kasi nag-aalala siya, " paliwanag naman niya pero umiling lang ako.

" Sige na, ikaw na bahala dito " sabi ko at saka tumakbo.

For sure, gusto niya lang ako makitang magsuffer. Afterall villaines ang Aveonna ko, pero hindi ko iyon hahayaan. Bibigyan ko siya ng happy ending. Hindi siya mamamatay sa kamay ng prinsipeng iyon.

He isn't worth it. Mas mas okay pa ang mga knight niya. Sa pagkakaalala ko, lalo na si Steven. Hanggang sa huli siya lang ang naniwala kay Aveonna.

---------

Nasa library ako at tahimik na nagbabasa nang makaramdam ako ng isang presensya. Nakatingin lang ito sa akin at tila may galit.

Nakaupo lang ako at galit na siya. Ano ba talagang kasalanan nitong si Aveonna. O baka naman galit siya dahil buhay pa ito?

"Who are you? " tanong ko. Ofcourse alam kong siya ang prinsipe, hindi ko lang matandaan ang pangalan niya. Hindi ko alam kung wala lang talaga akong pakialam aa mga bida dahil ang focus ko ay Aveonna o sadyang nakalimutan ko lang ang pangalan niya.

Lumapit siya sa akin, sobrang lapit.

"Hindi mo ako kilala? Sigurado ka? " nakangising tanong niya. Aba siraulo ito ah.

Lalo siyang lumapit kaya kinagat ko ang braso niya. Napasigaw siya sa sakit.

"Ano ba?! Bakit mo ginawa iyon?! " galit na tanong niya. Pero tinakbuhan ko na siya, patay ako nito. Baka mapaaga pa ang kamatayan ko.

Bumalik ako sa kwarto ko at nagkulong. Sana naman huwag na niya akong guluhin. Wala na akong plano lumapit sa kanya dahil wala akong plano na mamatay sa mga kamay niya.

"Lady Aveonna! Andito ka na pala, ano ang nangyari?! " tila may takot na tanong ni Biñia.

"Wala, " tipid kong sabi.

"Umalis na ang prinsipe at tila galit ito, " sabi pa niya.

"Hindi ba palagi naman siyang galit kay Aveonna, " inis kong sabi.

"Sa akin pala, " pilit akong tumawa.

"Hindi totoo yan, walang inis sa iyo ang prinsipe " sabi naman niya.

"Alam kong may galit siya sa akin, ayos lang iyon. Halata naman, " sabi ko naman.

"Biñia, ano nga palang pangalan niya? " tanong ko bago ko pa makalimutan.

"Thoren Leonnaire, hindi niyo rin po ba maalala ang prinsipe? " umiling ako sa tanong niya. Pamilyar nga ang pangalan na iyon, siya nga yung male lead ng kwento.

Thoren Leonnaire. Hindi mo ako mapapatay, sisiguraduhin ko iyon.

---------

Kinaumagahan ay mabilis akong nag-ayos para makapagbasa at tumambay sa library. Gaya nga ng nasa istorya wala na naman ang mga magulang niya. At dahil wala naman ako magawa dito puro pagbabasa lang, walang trabaho hindi gaya sa dati kong buhay.

Gusto kong kalimutan ang dati kong buhay dahil kung tutuusin hindi iyon maganda. Mas maganda ang buhay dito kahit alam kong hindi ito permanente. No. Baka permanente na ito, isang panaginip kung saan hindi na ako magigising.

Hindi masaya ang buhay ko. Kaya kahit buhay man lang ni Aveonna maging masaya sana, dahil ang character niya lang ang takbuhan ko noon. Hindi man siya totoo atleast kumakalma ako dahil sa istorya niya.

Baka andito ako kasi kaya kong mabago ang future niya, baka kahit siya magkaroon ng happy ending. I just feel really bad for her.

Kumuha ako ng mga libro at umupo sa pinaka sulok na bahagi ng library kung saan may isang bintana, dito muna ako hanggang mag-gabi. Puro fiction ang pinili ko, wala pa ako sa mood magbasa ng mga history o ano pang educational books.

Ang una kong dapat gawin ay umiwas sa prinsipe, dahil siya ang puno't dulo ng lahat. Pati na rin sa female lead na hindi ko pa nakikita hanggang ngayon. Ang alam ko magkikita kami sa kaarawan mismo ng prinsipe, sa party pero dahil wala akong alam sa kung anong araw ba ngayon o kung tapos na ba ang party.

Wala talaga akong clue sa mga mangyayari, siguro dapat muna akong magfocus sa sequence ng istorya.

Pero bakit para bang unti-unti naglalaho ang aalala ko tungkol sa librong ito? Naaapektuhan ba ako dahil unti-unti ko ng binabago ang takbo ng istorya?

Napangisi ako, siguro tama lang ito.
Ibig sabihin lang nito ay nababago ko na ang kwento ni Aveonna, malaki ang pag-asa na hindi na siya mamamatay.

Napatalon ako sa sobrang saya, napatingin ako sa bintana at nanlaki ang mata ko ng makita ko ang prinsipeng nakatitig sa akin. Sa sobrang gulat nawalan ako ng balanse at saka bumagsak.

Bwisit na prinsipe.

END OF CHAPTER 3

The Villainess is Me?!  | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon