Aveonna
"Magpahinga ka muna, " sabi ko naman sa prinsipe.
Matapos ang nangyari ay sinermonan siya ng hari, kahit gusto kong sabihin na ako ang may kasalanan kung bakit siya nasaktan ay ayaw naman ako pagsalitain ng prinsipe.
At dahil nga sa nangyari kahapon ay hindi kami pinapalabas ng palasyo.
"Daplis nga lang ito, " seryosong sabi nito.
Napabuntong-hininga na lang ako at pinagmasdan siya.
"Sorry, " iyon na lang ang kaya kong sabihin.
"Wala kang kasalanan, " sabi niya at saka ako niyakap.
"Hindi ko alam ang dapat kong sabihin, " kumalas ito ng yakap sa akin at ngumisi.
"Sabihin mo na lang na mahal mo ako, nasabi mo na kahapon kaya ulitin mo na lang uli, " tila nang-aasar pa siya.
Oo nga pala, sinabi kong mahal ko siya. Hindi ko rin alam kung bakit ko iyon nasabi, siguro deep inside may pagtingin talaga ako sa prinsipe, afterall mahal naman talaga ni Aveonna ang prinsipe.
"Ayoko nga, " sabi ko na lang. Nahihiya pa rin ko dahil sa sinabi ko. Kung hindi lang ako naaawa sa prinsipe baka hindi na ako nagpakita pa sa kanya pero ako daw ang hinahanap niya kaya naman nagpakita ako.
"Huwag ka ng mahiya, ikaw ang future queen ko kaya pwede mong sabihin na mahal mo ako araw-araw, " pang-aasar pa niya.
"Paano kung hindi ako ang magiging reyna mo? " seryosong tanong ko. Nawala ang ngiti sa mukha niya at tinitigan ako.
"Ayaw mo ba sa akin? "
"Hindi naman sa ganoon..." hindi ko naipagpatuloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan mabilis din niyang inialis ang kanyang mga labi sa aking labi.
"Huwag mo na uli sasabihin iyan, " tumango na lang ako bilang sagot.
"Ikaw ang magiging reyna, wala ng iba, " dagdag pa niya.
"Okay, " mahina kong sabi.
---------
Pilit kong iniisip kung sino ang lalaking iyon at kung bakit kilala niya ako at bakit gusto niya akong patayin. Nararamdaman kong kilala ito ng prinsipe, hindi ko lang alam kung sasagutin niya ang mga tanong ko o hindi.
May isang bagay pa na bumabagabag sa akin, kung ano ang nangyari dalawang taon na ang nakakaraan.
"Bakit natahimik ka? " tanong ng prinsipe.
"May iniisip lang ako, " sagot ko.
"Ano iyon, pwede mong sabihin ang lahat sa akin, " sabi naman niya.
"Nothing. Punta na lang tayo sa garden, mas okay kung nakakalanghap tayo ng sariwang hangin, " sabi ko na lang.
Hindi ko rin alam kung bakit nahihirapan akong magtanong sa kanya. May kung anong pumipigil sa akin pero may nagsasabi rin na dapat kong alamin ang lahat.
"Halika na, " sabi niya.
Hawak-kamay kaming nagpunta sa garden, umupo sa bench habang nilalanghap ang sariwang hangin. Okay siguro ito, baka magkaroon ako ng lakas ng loob dahil sa sariwang hangin.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo? " tanong ko.
"Sinabi ko ng ayos lang ako, huwag kang masyadong mag-alala. Hindi maganda para sa iyo, " sabi naman niya.
"Hindi ko kasi maiwasang sisihin ang sarili ko, " sabi ko na lang sa kanya.
"Wala kang kasalanan, "
"Bakit kilala ako nung lalaki? " tanong ko naman. Ito na nabanggit ko na ang isa sa mga tanong ko.
"Gusto pa niya akong patayin, " dagdag ko pa.
"Walang makapapanakit sa iyo hanggang nandito ako, " seryosong sabi niya.
Hindi na dapat ako magpaligoy-ligoy pa, naumpisahan ko na eh, dapat malakas ang loob ko.
"Mahal mo ako diba? " tanong ko sa kanya.
"Oo naman, " nakangiting sagot niya.
"Kung mahal mo ako, sasabihin mo sa akin ang nangyari dalawang taon na ang nakakaraan, " nawala ang ngiti niya sa narinig.
Kailangan kong malaman ang lahat dahil hindi ako mapapanatag kapag hindi ko nalaman ang mga nangyari noon.
END OF CHAPTER 16
BINABASA MO ANG
The Villainess is Me?! | ✔
FantasyWaking up realizing she is inside a novel! Ava had a good life until her parents die and everything turned into chaos. The only thing that make her happy are the books she's reading, her only escape. Until one day she got fed up and decides to dri...