Chapter 22: Against all odds

2.4K 111 1
                                    

Thoren

Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Steven, ano ba ang dahilan niya at kung bakit niya ito ginagawa? Kitang-kita ko na siya ang sinusunod ng mga kalaban at pamilyar ang tattoo nila, sigurado akong sila ang mga nakalaban namin dalawang taon na ang nakakaraan. Ibig bang sabihin siya ang may pakana ng lahat? Pero kasama namin siya sa pagsagip kay Aveonna, ibig bang sabihin palabas lang lahat ng iyon?

Kailangan kong mailigtas si Aveonna.

"Thoren, saan ka pupunta? " tanong aking ama, kasama niya si ina na tila nag-aalala.

"Hahanapin ko si Aveonna, " sagot ko naman.

"Ipaubaya mo na lang ang paghahanap sa kanya sa mga kawal, ikakapahamak mo iyan, " seryosong sabi niya sa akin.

"Hindi maaari ama, ako ang dapat maghanap sa kanya, "

"Thoren! Ikaw ang prinsipe ng kahariang ito, ikaw ang hahalili sa akin. Hindi mo ba naiintindihan iyon? Kapag ikaw ang napahamak ano na lang ang mangyayari sa kahariang ito? " may galit na sabi ng aking ama.

"Tama ang iyong ama, sundin mo na lang siya. Magagaling at malalakas ang mga kawal natin, sigurado akong maliligtas nila si Aveonna, " sabi naman ng aking ina.

"Hindi niyo ako naiintindihan. Kayo na rin ang nagsabi ako magiging hari, paano ko na lang poprotektahan ang aking mga nasasakupan kung ang babaeng mahal ko ay hindi ko man lang magawang protektahan? " sabi ko naman.

"Anak.." iyan lang ang nasabi ng aking ina, alam kong naiintidihan niya ako.

"Ama. Pinadala na ang mga kawal sa lumang mansyon, susunod lang ako para mahanap si Aveonna,  " pakiusap ko naman.

Umiling lang ito.

" Thoren, siguraduhin mong makakabalik kayo ng ligtas, " pilit ngumiti ang akin ama, nakahinga naman ako ng maluwag.

"Maraming salamat ama, " sabi ko naman.

"Bilisan mo na, alam kong hinihintay ka na niya, " sabi niya sa akin.

---------

Nang makarating ako sa lumang mansyon ay naabutan ko ang mga kawal na nakikipaglaban.

"Kamahalan, hindi po kayo dapat nandito, " sabi ng isa sa mga kawal.

"Nakita niyo ba si Lady Aveonna? " tanong ko.

"Hindi po. Ang mga bandido lang ang nadatnan namin dito, wala rin si Steven, " sabi naman.

"Sige. Ako na ang bahala kay Steven, siguradong kasama niya si Aveonna, " sabi ko naman.

"Sasama na po ang iba sa inyo, " sabi naman ng isa pang kawal.

"Hindi na. Dito na lang kayo, baka may iba pang dumating na mga bandido, kailangan niyo silang mahuli lahat, " utos ko naman.

"Masusunod po, " sabay na sabi ng mga kawal.

Hindi ko alam kung saan ko sila hahanapin, kung kayo ko lang suyurin ang buong mundo para makita ko sila ay gagawin ko.

Nag-aalala ako kay Aveonna hindi ko alam kung ano ang maaaring gawin sa kanya ni Steven.

Isa siyang traydor, isang kaibigan na ang turing ko sa kanya pero nagawa ang mga ito. Alam niya ang nararamdaman ko para kay Aveonna at ginamit niya ito para masaktan ako.

Napunta ako sa isang masukal na kagubatan, kung andito man sila siguradong mahihirapan ako, pero hindi ako dapat mawalan ng pag-asa.

"Anong ginagawa mo dito iho? Hindi ka dapat andito, " tanong ng isang matanda.

"May hinahanap po ako dito, kayo po ang dapat ang hindi dito, baka mapahamak pa po kayo, " sabi ko naman, hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng isang matanda sa lugar na ito pero pinili ko pa ring ngumiti.

"Naku iho, sanay na ako dito, sino ba ang hinahanap mo? " tanong niya, sasabihin ko ba? Papaano ko ba malalaman kung mapagkakatiwalaan siya?

"Wala po. Sige, aalis na ako. Ingat po kayo, "  sabi ko na lang.

"Ikaw din iho mag-ingat ka, " sabi niya.

"Salamat po, " sabi ko naman.

"Siya nga pala, pakisabi na din sa nakaupong babae doon sa may bato, mag-ingat siya at huwag masyadong magpadalos-dalos, " nagulat ako sa sinabi niya at biglang kinabahan. Hindi ako sigurado kung sa Aveonna iyon pero kinutuban agad ako.

"Nasaan na po siya?! " tanong ko, halatang nagulat siya dahil sa inasal ko.

"Dumiretso ka lang at kapag may nakita kang patay na puno kumanan ka, iisa lang ang patay na punong iyon kaya hindi ka malilito. Mag-ingat kayo iho, nararamdaman kong maganda ang magiging hinaharap niyo sa oras na malagpasan ninyo ang pagsubok na ito, " nakangiting sabi nito.

"Salamat po, "sabi ko na lang, ngumiti ito at saka nagpatuloy maglakad, mabilis itong nawala sa aking paningin.

Binilisan ko ang pagtakbo, hindi ako sigurado kung naroon din si Steven, kailangan kong maghanda.

Ilang minuto pa ay nakita ko na ang patay napuno, tama nga ang sinabi ng matanda. Nag-iisa lang ito, kamangha-mangha. Muli akong napatingin sa puno bago tuluyang kumanan.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko si Aveonna na nakaupo sa isang sulok. Hindi niya ako napansin kaya tinawag ko ang pangalang niya.

"Aveonna, " tumingin ito sa akin.

"Thoren.." mahina pero sapat na para marinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko.

END OF CHAPTER 22

A/N : 4 chapters to go ( including the epilogue )

Thank you for reading.

The Villainess is Me?!  | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon