Aveonna
So I have plan. Ako lang ang naman mag-isa ang gagawa ng mga plano, kaya wala na akong dapat pagsabihan pa. Bago mawala ang remaining memories ko kailangan ko munang isulat iyon sa journal ko, ilagay ko na din mga plano ko.
My plan? Just go with the flow. Tadhana na rin siguro na mapunta ako sa palasyo, para malaman ko kung anong binabalak nila.
Kailangan ko silang maunahan before I get married!
Kailangan kong malaman ang mga nangyari kay Aveonna.....I mean sa akin bago ako nagising.
"May kailangan po ba kayo Lady Aveonna? " tanong ni Biñia.
"Kilala mo ba si Lady Claire Davidson? " tanong ko. Kita ko naman sa mga mata niya ang pagkagulat.
"Nagbalik na po ba ang alaala niyo?! " tanong niya sa akin.
"Hindi gaano, iyong pangalan lang niya ang naaalala ko. Siguro nagkita na kami dati, " sagot ko sa kanya. Totoo naman talaga na hindi pa nagbabalik ang mga alaala ko, nakilala ko lang si Claire dahil siya ang female lead ng istoryang ito.
Pero dahil nga nawawala siya at nababago ko na ang takbo ng istoryang ito simula ng dumating ako dito, hindi ko na alam ang susunod na mga mangyayari.
At kung tama ang hinala kong may nagbago rin two years ago, dapat kong malaman kung bakit at papaano.Sa pagkakaalam ko wala namang nangyaring aksidente noon sa party. Kaya dapat nagkita na sila ng prinsipe at syempre magagalit si Aveonna kasi nga in love ito sa prinsipe. Doo nagsimula ang pagkamuhi ni Aveonna kay Lady Claire.
Pero dahil sa memory lost ko at sa tadhana, nagmumuka akong naliligaw na bata dito.
"Ah, Lady Aveonna? " bumalik ako sa realidad nang tawagin ni Biñia ang pangalan ko. Mukang nakita niya akong nakatulala.
"Ayos lang ako, gusto ko munang magpahinga. Mukang pagod pa ako, " sabi ko naman at iniwan na din niya ako. Napabuntong hininga ako nang makaalis si Biñia.
Ang hirap palang maging buhay mayaman dito, palaging may nakasunod sa iyo. Parang mas masahol pa sa kriminal ah. Pero paano kaya kung maging reyna ako? Hindi rin masama, ang problema kung ang magiging hari ah si Thoren, huwag na lang. Noon pa lang ayaw ko na talaga sa kanya, masama kaya ugali niya. Hiprokito, hindi niya nakikita ang sariling kasamaan pero kasamaan ko kitang-kita niya, atleast ako aminadong masama. Siya, hindi niya kayang gawin iyon. Porket prinsipe siya akala niya pwede niyang gawin ang lahat. Kaya Team Steven ako eh. Always and forever.
Hindi kaya may kinalaman siya sa mga nangyari noon? Hinuhulaan ko lang talaga, baka may nangyari noon dahil weird ng mga kinikilos nila.
Hindi kaya sinubukan niyang patayin si Aveonna? I mean...ako? Medyo nahihirapan parin ako sa sitwasyo ko.
Dapat matuto na akong tanggapin na ako si Aveonna, wala ng iba. At dapat bigyan ko ang aking sarili ng magandang buhay.
Haay. Maya-maya lang ipapatawag na ako ng hari pero hindi parin ako makatulog. Sumasakit ang ulo ko dahil sa pag-iisip, matagal-tagal na rin noong huli ko itong maramdaman. Dapat wala akong pinoproblema dahil maginhawa na ang buhay ko pero heto ako, problemado parin. Hindi ba dapat kapag second life masaya na? O ganun parin?
-----------
Isa na namang magandang evening dress ang suot ko. Sabay daw ako kumain sa royal family, after all ako ang future queen. Sasamantalahin ko na ang oppurtunity, minsan lang makaranas ng ganitong pagtrato.
"Maayos naman ba ang pakiramdam mo iha? " tanong ng magandang babae. Kung kikilatisin ko siya, masasabi kong siya ang mahal na reyna.
"O-opo, " nahihiyang sabi ko. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako makapagsalita ng maayos.
Umupo na ako sa isa sa mga silya at sa ksamaang palad katabi ko ang prinsipe. Kailangan ata iyon dahil nga "engaged " na kami. Ni hindi ko nga maalala na umuo ako, siguro ang dating Aveonna ang pumayag. Hindi man lang nagpakipot.
"Alam kong hindi pa maayos ang kalagayan mo, kaya naisipan kong dito ka na lang mamalagi. Para hindi ka na rin palaging dinadalaw ng aking anak, kailangan pa kasi niya maglakbay para lang makita ka, " paliwanag ng amang hari.
"Isang malaking karalangan po na mamalagi dito sa palasyo, " sagot ko na lang.
"Ikaw ang fiancèe ng anak ko, maaari kang mamalagi dito kahit kailan mo gusto, " masayang sabi ng hari. Mukang mabait ang mga magulang ng prinsipe, saan ba nagmana ang lalaking ito?
"Ina, ama. Kumain muna tayo bago mag-usap, " sabat naman ng isa.
Nagsimula na nga kami kumain dahil sa isang lalaking medyo epal. Nawala naman kaagad ang inis ko dahil sa sarap ng mga pagkain. Grabe, ngayon lang ako nakatikim ng mga ganitong pagkain. Gusto ko sanang lumamon nang lumamon pero nakakahiya. Dapat ba prim and proper ako kumilos? Baka pwede namang hindi, baka maparusahan ako dahil sa katakawan ko. Diba maraming napaparusahan dahil sa mga petty crimes? Ganun sa mga librong binabasa ko eh.
"Nagustuhan mo ba ang mga putaheng nakahain, iha? " nakangiting tanong ng reyna.
"Opo," tipid kong sagot habang nakangiti.
"Huwag kang mahihiyang kumuha kung gusta mo pa, " sabi pa niya.
Sa totoo lang queen, gustong gusto ko. Kaya lang isa akong maharlikang babae, baka mamaya maparusahan ako at isa pa nakakahiya talaga para ngang wala kayong kinain tapos ako parang patay-gutom. Gusto ko sanang isigaw iyong mga nasa utak ko, kaya lang gusto ko itong buhay na ito.
"Ayos na po ako. Maraming salamat po, " pagsisinungaling ko.
"Ganun ba, dahil tapos na ang lahat siguro dapat maiwan namin kayong dalawa, " suhestyon ng reyna.
"Tama ang reyna, dapat maiwan kayong dalawa upang makapag-usap, " pagsang-ayon ng hari. Mukang mahal na mahal nila ang isa't- isa.
Sana all.
"Nawa'y maging masaya kayong dalawa, " nakangiting sabi ng hari sa amin.
"Siguradong magiging masaya kami, " sabi naman ng prinsipe habang matamis na nakangiti sa akin.
Joke, halatang may binabalak siyang masama. Mata palang niya, nakakatakot na.
"Tama po siya, kamahalan. Magiging masaya talaga kami, " sagot ko naman at nginitian din siya. Aba, hindi ako magpapatalo.
"So, saan mo gusto pumunta? " tanong sa akin ng prinsipe.
" Sa kwarto ko? " tila hindi ko siguradong sagot. Nagulat naman kasi ako sa tanong niya.
"Narinig mo naman ang sinabi ng hari, kailangan nating mag-usap, " seryosong sabi niya.
"Sa totoo lang po, wala naman tayong dapat pag-usapan, " pilit akong ngumiti kahit naiinis na ako sa kanya.
"Marami. Kagaya ni Lady Claire Davidson, " sagot naman niya, napatingin ako sa mga mata. Wala man lang akong nakita na emosyon sa mga ito kaya bigla akong natakot.
"Umm. May library kayo? " tanong ko. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil bigla akong natakot. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Meron. Let's go, " bago pa ako maka-react ay hinawakan na niya ang kamay ko at biglang naglakad kaya wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya.
Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam habang mas hinigpitan pa niya ang hawak sa kamay ko.
Hindi ito maganda. Masisira ang mga plano.
END OF CHAPTER 7
BINABASA MO ANG
The Villainess is Me?! | ✔
FantasyWaking up realizing she is inside a novel! Ava had a good life until her parents die and everything turned into chaos. The only thing that make her happy are the books she's reading, her only escape. Until one day she got fed up and decides to dri...