Epilogue

4.2K 165 15
                                    

7 years later.....

Mula sa hardin maririnig mo ang mga ingay at tawanan ng mga bata.

"Ina!" sigaw ng isa sa kanila, ngumiti naman ang kanilang ina habang papalapit sa kanila.

"Bakit mahal kong prinispe? " tanong ng ina sa batang prinsipe edad lima.

"Ina, si Averie po ayaw ibigay sa akin iyong libro ko, " sumbong ng bata, natawa lang naman ang kanyang ina. Natutuwa siyang kahit bata pa lang ang mga ito ay mahilig na sila magbasa ng libro.

"Sabi ko nga, hindi pa ako tapos magbasa! " pagmamaktol naman ng batang si Averie edad lima.

"Kayong dalawa talaga, sinabi ko na, huwag kayong mag-aaway. Patience, matuto tayong maghintay, " nakangiting sabi ng kanilang ina.

"Anong nangyayari dito? " tanong ng isang lalaking kadadating lang kasama ang isang sanggol na babae.

"Ama! " tawag sa kanila ng dalawang bata.

"Kayo talaga, huwag nga kayong mag-away na dalawa. Huwag niyong pahirapan ang ina niyo, " natatawang sabi ng lalaki.

Masaya namang tumakbo ang dalawang bata at tinuloy ang paglalaro nila.

"Kumusta mahal kong hari? " tanong niya sa lalaki.

"At kumusta munti kong prinsesa? " dagdag pa nito at kinuha ang sanggol sa lalaki.

"Aveonna..." tawag ng lalaki sa kanya at hinalikan ito sa noo.

"Thoren, ang bilis talaga lumaki ng mga anak natin. Gusto ko parin silang maging baby, " sabi ni Aveonna habang nakatingin sa mga anak.

Kambal ang naging unang anak nila, isang babae at isang lalaki. Sumunod naman ay isang babae, gusto pa ng mag-asaw ng isa pang anak o dalawa. Gusto nila ng marami, para mas masaya ang kaharian.

Tatlong taon na ang nakalipas ng bumaba sa pwesto ang amang hari ni Thoren at siya naman ang pumalit dito, ang tanging gusto na lang ng amang hari ay alagaan at makipaglaro sa mga apo nito.

Anim na taon naman na ang nakalipas matapos silang ikasal, isa iyon sa pinaka masayang araw para sa dalawa. Lalo na kay Aveonna, marami siyang pinagdaang hindi maganda at masaya siya na iyon ay parte na lang ng kanyang nakaraan.

At gaya nga ng nabanggit sa kanya ni Tandang Nagit, tuluyan na niyang nakalimutan ang una niyang naging buhay sa ibang mundo. Maging ang mga nangyari sa in-between o ang pakikipag-usap niya dito. Minsan bumabalik ito sa kanyang aalala pero ito'y iniisip niya na lang na isang panaginip. Isang masaya at kakaibang panaginip, o hindi naman kaya isang kwento na narinig niya sa kung saan at naging parte na ng kanyang imahinasyon.

"Mukang kasalan na ang punta nila Darren at Biñia, " sabi ni Thoren sa asawa.

"Mabuti naman, bagay na bagay kaya 'yung dalawang iyon, " natatawang sabi naman ni Aveonna.

"Sinabi mo pa, halos hindi na mapaghiwalay, "pagsang-ayo naman ni Thoren.

"Alam mo gumawa kaya tayo ng paraan para sa altar na ang punta nila, " suhestyon ni Aveonna, natawa naman si Thoren.

"Saan mo naman nakuha iyan? Sa isang libro ba? " tanong niya.

"Magandang plano, " sabi naman ni Aveonna.

Naglalakad - lakad ang mag-asawa sa hardin gaya ng madalas nilang ginagawa, ang kaibahan nga lang ay may mga munting prinsipe at prinsesa na silang kasama.

Hindi alam ni Aveonna kung anong mahika ang naganap pero napansin niyang mas gumanda ang hardin nila, may tumingkas ang kulay na mga bulaklak at tila ba buhay na buhay ang mga ito, minsan pa nga ay naiisip niyang nagsasalita at kumakanta sila ng masasayang awitin. Parang pamilyar nga sa kanya ang senaryo na ito lalo na kapag napupunta siya sa may bench.

Umupo sila sa bench na iyon at dinama ang simoy ng hangin, kalong-kalong parin ang sanggol na anak na ngayon ay mahimbing ng natutulog. Pinagmasdan siya ng lalaki at napangiti.

"Mahal kita, " bulong ni Thoren.

"Mahal din kita, " sagot niya pabalik at hinalikan niya ito sa pisngi.

"Ina, ama! " masayang tawag ng kambal habang kumakaway, kumaway pabalik ang mag-asawa.

"Halika ka na at puntahan na natin ang kambal, " pag-anyaya ni Thoren.

" Tama. Siguradong gusto na silang makita ng mga lolo at lola nila, pagkadating nila ama at ina ang mga apo nila ang hinanap minsan gusto ko na ngang magselos eh, " biro naman ni Aveonna.

"Huwag kang mag-alala, ikaw parin ang number one sa puso ko, " sabi naman niya.

"Talaga lang ha. "

"Oo naman. Mahal na mahal kita eh, " nakangiting sabi ni Thoren.

"Huwag kang mag-alala parehas tayo ng nararamdaman, " sabi naman ni Aveonna.

Mabilis na niyakap ng kambal ang dalawa, kahit kanina pa naglalaro ang mga ito ay tila hindi sila napapagod. Muling nagtatakbo ang mga bata kaya natawa naman ang mag-asawa at napailing.

"Iba talaga kapag bata, parang hindi napapagod, " bulong ni Thoren.

"Sinabi mo pa, " bulong ni Aveonna.

"Mga anak, halika pasok muna tayo sa loob. Baka hinahanap na kayo ng mga lolo at lola ninyo, " pagkasabi ni Thoren ay agad silang tumigil sa pagtakbo at pinuntahan ang mag-asawa.

Niyakap at hinalikan muna ni Aveonna ang mga anak, inayos niya ang suot na damit ng kambal.

"Ayan. Handa na kayong harapin sila lolo at lola niyo. "

"Salamat. Ina, " sabi ng kambal.

Nakangiti namang pinagmasdan ni Thoren ang mag-iina niya, muli siyang nagpasalamat sa kalangitan dahil binigay niya si Aveonna ay ang mga anak nila. Wala na siyang mahihiling pa.

"Halika na, " sabi ni Thoren at inilahas niya ang kanyang kamay na siya namang hinawakan ni Aveonna.

Hawak kamay pumasok ang pamilya, masayang nagtatawanan at nagbibiruan. Napakagandang pagmasdan ang buong pamilya, tunay ngang puno ng pagmamahal ang mga ito.

Nabuhay ng masaya at mapayapa ang bagong hari at reyna, napuno ng paghahamal ang buong kaharian at ang mga mamamayan nito.

At kagaya nga ng buhay ng reyna sa kwento sa libro nag-umpisa ang lahat at sa isang libro din ito nagtapos, nakalathala lahat sa isang libro ang buhay ng royal family.

Ang pighati at tagumpay, maging ang mahiwagang ilaw na nagligtas sa reyna at pangako niyang pahahalagan niya ang buhay niya hanggang sa huli.

Muling pinagmasdan ni Aveonna ang kalangitan at napangiti, habang sa hindi kalayuan ay may isang matandang kumakaway sa kanya, hindi man niya ito nakikita, nararamdaman siya nito nakikita ay malawak pa rin iting nakangiti hanggang sa tuluyan na itong naglaho.

END OF STORY

A/N :  Thank you for reading

The Villainess is Me?!  | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon