Chapter 15: Feelings

3.1K 122 9
                                    

Aveonna

Una kong nakita ang prinsipe...si Thoren.

"Andito ka? " sabi ko dito.

"Kumusta ka na? " nag-aalalang tanong niya.

"Ayos lang ako, " pilit akong ngumiti.

Ramdam ko parin ang panghihina, medyo nakakainis ang katawan ko. Minsan nakakalimutan kong mahina pala ang katawan ko, hindi lang halata.

"Sigurado ka ba? " tanong ni Thoren sa akin.

Tumango ako at pilit na ngumiti.

"Mukang ikaw ang hindi maayos, " sabi ko  aa kanya. Halata ang pagkapuyat niya.

"Nag-alala lang ako sa iyo, " sagot naman niya.

"Ikaw ang magpahinga, " sabi ko na lang sa kanya at pinilit tumayo.

"Huwag ka munang tumayo, " pagpigil niya sa akin.

"Okay lang, " tipid kong sabi.

Sasakit lang katawan ko kapag palagi akong nakahiga, mas magandang maglakad lakad na lang ako.

"Gusto mo bang pumunta sa garden? " tanong ko sa kanya. Ngumiti naman ito at tumango.

"Kahit saan basta kasama kita, " bulong niya pa.

"Talaga lang ha, kahit sabihin kong sa labas ng palasyo " biro ko dito.

"Oo. Saan mo ba gusto? " nakangising tanong nito sa akin.

"Talaga, sasamahan mo ako sa kahit saan? "

"Oo naman, " natatawang sabi niya.

" Matagal ko ng gustong pumunta sa labas ng palasyo, sa sentro, " sabi ko naman.

Sa totoo lang gusto ko talagang pumunta doon, iyong walang nakakakilala sa amin. Iyong pwedeng gawin ang lahat ng gusto ko, syempre walang mga alalay o guard na palaging naka sunod.

"Gusto mo ba ngayon na? " tanong niya.

"Wait, gusto ko walang mga guard o kung ano man, " pakiusap ko sa kanya. Bigla naman itong ngumisi, mukang may iba itong iniisip ah.

"Sabihin mo na kasi na gusto mo lang ako makasama, "

Pilit na lang ako ngumiti. Baka magalit pa sa akin at hindi ako payagang makaalis. Mawawala pa ang chance ko na makapunta doon na walang mga sumusunod sa iyo.

"Papayagan mo ba ako? " tanong ko.

"Syempre naman. Palalampasin ko ba ang date natin? " nakangising sabi niya sabay halik sa pisngi ko. Siguradong namumula na naman ako.

"Huwag mo ngang gawin iyon, " mahina kong sabi.

"Bakit naman? " tanong niya.

"Basta, " yumuko ako. Ayokong makita niya ang pamumula ng ko.

"Aalis ba tayo? " inis na tanong ko. Tumawa naman ito.

"Oo na, maghahanda lang ako. Tatawagin kita, maya-maya "

--------

Nakasuot kami ng pakaraniwang damit, sa totoo lang mas gusto ko pa ito kesa sa mga dress na pinasusuot sa akin. I mean, maganda naman lahat ng mga suot ko, komportable din pero minsan kasi nawiwirduhan ako sa sarili ko. Parang di ko kayang maging prim and proper.
Maraming tao, sakto yatang may kasiyahan. Ang ganda ng lugar nito, maingay at mukang masaya lahat ng mga tao.

"Sana palagi akong nakakapunta dito, " sabi ko naman.

"Kung gusto mo sabihin mo lang sa akin, " sabi naman ng prinsipe. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko, nag-init ang muka ko at napatingin ako sa kanya. Seryoso lang ito na diretsong nakatingin sa nilalakaran namin.

Gusto ko sanang alisin ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero mas hinigpitan lang niya ito.

"Huwag kang magulo, baka mamaya magkahiwalay tayo. Hindi ko gustong mangyari iyon, " sabi naman niya. Tumango na lang ako at patuloy na naglakad.

Maraming mga tindahan dito, sa totoo lang gusto ko silang bilhin lahat kaya lang wala naman akong paggagamitan.

"Tingin ko kailangan muna natin kumain, " sabi ko.

"Sige, " tipid na sagot ng prinsipe.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa tindahan ng mga bulaklak, iba parin talaga kapag nasa hardin ka. Pero masayang ring pagmasdan ang tindahan at ang mga bumibili dito.

"Pumunta ka na muna sa tindahan ng mga bulaklak, ako na ang bibili ng pagkain natin. Huwag aalis doon, " tumango naman ako sa utos ng prinsipe, napansin niya sigurong nakatingin ako doon.

Hindi naman ako nag-aalala dahil malapit lang naman ang tindahan ng pagkain at kitang-kita ko pa ang prinsipe.

Ngumiti pa sa akin ang prinsipe at kumaway.

Habang pinagmamasdan ko ang mga bulaklak ay isang lalaki ang lumapit sa akin.

"Kumusta Lady Aveonna, " nakangising bati niya.

"Sino ka? " tanong ko. Binalot ako ng takot, hindi ko siya kilala pero nararamdaman kong pamilyar ito sa akin.

"Totoo nga ang balita, wala kang alaala, "nakangising sabi nito.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya nilabas ang isang punyal at akmang sasaksakin ako.

Biglang pinigilan ito ng prinsipe. Sobrang bilis ng pangyayari ay nakita ko na lang ang sarili kong nakaupo habang ang prinsipe ay nakikipaglaban sa lalaki. Nang masalampak ang lalaki ay agad na inalalayan ako ng prinsipe para makatayo.

"Takbo! " sabi pa ng prinsipe.

Tumakbo kami ng mabilis, napansin ko ang sugat sa braso niya. Bigla naman akong nag-alala.

"May sugat ka, " sabi ko naman.

"Daplis lang ito, " seryosong sabi niya.

Nagtago kami sa isang sulok kung saan alam naming walang makakaisip na dito kami pumunta.

Hindi ko mapigilang maluha dahil sa nangyari.

"Bakit ka umiiyak? " nag-aalalang tanong niya habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Kasalanan ko ito, kung hindi ako nagpasamang pumunta dito hindi ka masasaktan, " sabi ko naman. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko, na ayaw ko siyang masaktan nang dahil sa akin.

"Sinabi ko na nga sa iyo na daplis lang ito, " sabi naman niya habang pinupunasan parin ang mga luha ko.

"Hindi pa rin tama iyon, dapat siguro hindi mo na lang ako niligtas, " sabi ko naman.

"Mahal kita, ayokong masaktan ka, " seryosong sabi niya. Napatingin ako sa kanya.

Niyakap niya ako.

"Hindi ko naman deserve ang pagmamahal mo, " pilit akong ngumiti. Kumalas siya sa yakap at tumitig sa aking mga mata.

"Hindi iyan totoo. Mahal kita at walang makakapigil sa akin, kahit sino pa sila. "

Muli niya akong niyakap ng mahigpit at sa pagkakataong iyon ay niyakap ko siya pabalik.

"Thank you, " bulong ko sa kanya.

"Natakot ako na baka mawala ka uli sa akin, " mahinang sabi niya.

"Hindi naman ako mawawala, nandito lang ako, " nakangiting sabi ko.

"Gusto kong marinig mula sa iyo, " sabi pa niya.

"Mahal kita, " muli niyang sabi sa akin.

"Please, sabihin mo sa akin na mahal mo rin ako, " bulong niya. Tumango naman ako.

"Mahal kita, " bulong ko sa kanya.

END OF CHAPTER 15

The Villainess is Me?!  | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon