Aveonna
Nagsimula na silang maglaban, hindi nakikisama ang panahon dahil malakas pa rin ang ulan. Malamig ang simoy ng hangin at tuluyan ng dumilim.
Halos wala ako makita, pilit ko pang inaaninag ang mga nangyayari.
"Aveonna, lumayo ka na dito! " sigaw ni Thoren, tumingin ito sa akin at pilit na ngumiti. Umiling naman ako, ano ba ang sinasabi niya?
"Ayoko, " mahina kong sabi. Hindi ko alam kung narinig ba niya ako, gusto ko lang talaga sabihin na hindi ko siya gustong iwan, na andito lang ako sa tabi niya.
Ilang minuto o oras pa ang nakalipas ay hindi pa rin sila tumitigil, maging ang malakas na ulan. Napayakap ako sa aking sarili, walang gustong sumuko sa dalawa.
Hindi ako makakilos habang pinagmamasdan silang naglalaban ano ba ang dapat kong gawin?
Gusto ko ng sumugod doon at makisali pero ano naman ang magagawa ng isang tulad ko? May injury na nga at nanghihina pa ang katawan.
Halatang mas lamang sa lakas si Steven, alam rin ito ni Thoren. Isang trained knight si Steven, nag-training para maprotekhan ang prinsipe.
Hindi naman nagpapatalo si Thoren, napangiti naman ako dahil handa niyang ibigay ang lahat para maprotektahan ako. Na-guilty naman ako dahil wala akong magawa, puro pabigat lang ako sa kanya.
Ano nga ba ang dapat kong gawin?
Tumingin ako sa langit at nagdasal, sana may magawa ako para matulungan si Thoren. Kahit ano, gusto kong manalo siya sa laban nila.
Sigurado ka ba na handa kang gawin ang lahat para sa kanya? "
Napatingin ako sa paligid, wala akong makita na tao o siguro dahil sa madilim na ang lugar. Pero kilala ko ang boses na iyon, akala ko ba hindi na siya magpapakita sa akin?
"Hindi naman ako nagpapakita sa iyo, kinakausap lang kita at nasa isip mo lang ako, " natatawang sabi niya.
"Bakit mo ako kinakausap? " tanong ko.
"Wala. Gusto ko lang sabihin na kung ano man ang plano maaaring makaapekto ito sa hinaharap mo o baka tuluyan ka ng mawalan ng hinaharap. "
"Mawalan ng hinaharap? Ibig sabihin mamamatay? Wala na akong pakialam, gusto ko lang matulungan si Thoren, " sabi ko sa kanya.
"Wow, change of heart. I like that, ikaw bahala. Hindi na ako mangingialam sa iyo, " sabi niya at pagkatapos non ay hindi ko na siya narinig magsalita.
Napabuntong - hininga ako. Tama, handa akong gawin ang lahat para matulungan siya kahit mapahamak pa ako. Dahil....dahil...dahil mahal ko siya.
Handa rin akong isakripisyo ang buhay ko para sa kanya, kagaya ng ginagawa niya ngayon.
Kahit iika-ika ay pinilit kong mag-lakad, kailangan ko siyang matulungan.
Mas binilisan ko pa ang paglalakas nang mapansin kong nanghihina na si Thoren, muntik pa akong madulas dahil siguro ay nakaapak ako ng lumot.
Mula sa malayo ay nakita kong may itinaas si Steven at kumislap pa ito, isang punyal!
"Thoren! " sinubukan kong tumakbo papunta sa harapan niya.
Mabilis ang pangyayari, sa isang iglap nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib, napansin ko na lang na may dugo ang punyal na hawak ni Steven at nanlaki ang mga mata nito.
Napahawak ako sa aking dibdib at napatingin ako sa aking kamay na ngayon ay may dugo na rin.
Unti-unting nanghina ang katawan ko, babagsak na sana ako nang masalo ako ni Thoren, kita din ang pagkagulat sa mga mata niya.
Thoren
"A-Aveonna, " tawag ko sa pangalan niya. Pinipilit niyang magsalita pero walang lumabas sa bibig niya kung hindi dugo.
Gamit ang mga kamay ko ay pinipigilan ko ang pag agos ng dugo mula sa kanyang dibdib.
"Huwag mo akong iiwan, " paki-usap ko sa kanya. Naramdaman ko ang pag-agos ng aking mga luha.
Ngumiti ito sa akin at umiling, para bang sinasabi niya na huwag akong umiyak.
Hindi ko na pinansin kung ano man ang nangyayari sa paligid, ang mahalaga lang ngayon ay ang kapakanan ni Aveonna.
"Bakit mo iyan ginawa? " tanong ko.
Nararamdaman ko na unti-unti na siyang nanghihina, hanggang sa tuluyan ng pumikit ang mga mata niya.
"Aveonna! " sigaw ko sa pangalan nito pero hindi na ito gumigising.
Hindi ko pa rin inaaalis ang aking mga kamay sa dibdib niya at umaaasang gigising ito.
END OF CHAPTER 24
A/N : 2 Chapter to go.
Sorry kung ang lame ng chapter na ito. I'll try my best sa last two chapters.
BINABASA MO ANG
The Villainess is Me?! | ✔
FantasyWaking up realizing she is inside a novel! Ava had a good life until her parents die and everything turned into chaos. The only thing that make her happy are the books she's reading, her only escape. Until one day she got fed up and decides to dri...