Chapter 11: Confession

4.6K 194 14
                                    

Thoren

Tahimik na bumalik si Aveonna sa kanyang kwarto. Hindi ko na rin siya pinilit na manatili pa. Mukang nagulat siya sa narinig.

Sa totoo lang hindi ko inaasahan ang reaksyon niya. Ang akala ko matutuwa siya sa sinabi ko, mukang hindi.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot. Takot na baka hindi na niya ako mahal gaya ng dati, baka maging ang pagmamahal niya sa akin ay tuluyan na ding nagbago.

Nakita ko kung gaano siya kasaya kapag kasama niya si Steven. Nakangiti siya at tumatawa isang bagay na palagi niyang ginagawa kapag kasama si Steven mula noon pan man hanggang ngayon. Iyon na lang yata ang hindi nagbago.

I can't blame her. Totoo namang mabait si Steven sa kanya, kahit masama ang ugali niya noon. Palagi paring nakangiti sa kanya si Steven.

Hindi ko maiwasang mainis dahil dapat ako ang nagpapasaya sa kanya. Sa totoo lang kasalanan ko naman talaga dahil hindi maganda ang trato ko sa kanya noon.

Ayaw ko lang sa mapagpanggap, akala ko nagpapanggap lang siya kaya hindi ko maiwasang mainis.

Ayokong iwasan niya ako pero mukang iyon ang nangyayari. Natatakot akong mawala siya sa akin kaya naman napaamin ako ng wala sa oras.

Mga bata palang kami alam ko ng siya ang magiging reyna ko. Nagulat ako sa malaki niyang pinagbago at sa mga balitang naririnig ko tungkol sa kanya. Dahil doon lumayo ang loob ko sa kanya.

-----------

Naisipan kong magpahangin at makapagisip-isip narin ng mga susunod kong gagawin. Mga hakbang para mas mapalapit ako sa kanya.

Kailangan kong malaman ang mga gusto at mga ayaw niya. Higit sa lahat ayokong mas mapalapit siya kay Steven, dahil mukang mas gusto niya pang kasama si Steven.

Kaibigan ko si Steven at ayoko siyang maging karibal sa pag-ibig. Alam kong alam niya ang tunay kong nararamdaman para kay Aveonna at hindi siya gagawa ng ikasisira ng pagkakaibigan namin.

Pero gusto ko parin siyang makausap at malaman kung bakit sobrang lapit nila sa isa't -isa at balaan na rin.

At ang pinakamahalaga sa lahat ay ang maprotektahan siya. Bilang isang nakatakdang mapangasawa ng prinsipe. Maraming maaaring manakit sa kanya, at lahat ng kaaway gusto siyang mawala. Kagaya na lang ng nangyari noon....hindi na dapat iyon maulit.

Hindi ako papayag na may manakit sa kanya.

Presko ang hangin at dapat ienjoy ang panahon, pero hindi ko maiwasang mag-alala. Para sa kanya at para sa hinaharap naming dalawa.

Oo. Sa tuwing iniisip ko ang aking hinaharap, palaging kasama si Aveonna sa mga iyon. Ang aking reyna, ina ng aking aking magiging anak. Kasama ko sa lahat, sa mga problema at sa mga tagumpay.

Maging sa aking panaginip palagi ko siyang kasama. Mahal ko na nga talaga siya.

Alam ko ang aking sarili. Alam kong totoo ang aking nararamdaman, sana nga maramdaman din iyon ni Aveonna at sana marinig ko din ang mga katagang iyon mula sa mga labi niya.

Napabuntong-hininga ako. Natatakot akong hindi na ako ang mahal niya at masasaktan ko siya sa oras na ikasal kami. Hindi ko alam ang mangyayari kapag nangyari iyon. Lalo na at hindi ko inaasahan ang mga nangyayari ngayon.

Tumingin ako sa kalangitan, gusto ko na agad siyang makita. Na miss ko na kaagad siya at higit sa lahat gusto kong malaman ang sagot niya sa inamin ko.

Naglalakad pa ako, para makapagpahangin. Pinuntuhan ko ang mga lugar kung saan daw siya madalas magtungo. Sa ganitong paraan ay mas makikilala ko siya.

Huli kong pinuntahan ang ang napakalawak na hardin. Umupo lang ako doon sa may isang bench at umaasang dadating siya.

Ilang sandali pa hindi nga ako nagkamali.

Nakita ko siyang naglalakad papuntang hardin kaya mabilis ko siyang sinundan. Umiwas ito sa akin at mabilis na naglakad, kaya pinigilan ko ito.

"Iniiwasan mo ba ako? " tanong ko. Kahit sa totoo lang ay halata naman.

"May kailangan po ba kayo? " nakayukong tanong nito.

"Wala, gusto lang kita makausap, " seryosong sabi ko.

"Tungkol saan? " tanong nito.

"Tungkol sa sinabi ko noong nasa karwahe tayo, " nanlaki ang mga mata nito sa narinig hindi ko maiwasang matawa sa reaksyon niya.

"Hindi ko narinig, wala akong alam sa sinasabi mo, " sabi habang nakatakip sa kanyang tenga ang kanyang mga kamay. Tinaggal ko ang isang kamay nito sa kanyang tenga at saka bumulong.

"Mahal nga kita, "

Napaatras naman ito at tila hindi makapaniwala sa narinig. Kagaya kanina nakatingin lang ito sa aking mga mata at hindi makapagsalita.

"Uulitin ko. Mahal kita, totoo ang sinasabi ko, "  gusto kong paulit - ulit niyang marinig ang mga katagang iyon para malaman niya kung ano ang tunay kong nararamdaman.

"Niloloko mo lang ako eh, ano ba talagang balak mo? " inis na sabi niya.

"Hindi kita niloloko bakit mo ba paulit ulit sinasabi iyan? " sabi ko pa sa kanya.

"Dahil kilala kita, hindi naman ako ang gusto mo. Alam ko iyon, " sabi niya.

"Paano mo masasabi iyon kung wala ka ngang maalala? " tanong ko naman sa kanya.

Natigilan naman ito at tila nag-iisip ng kanyang sasabihin.

"Aveonna, " tawag ko sa pangalan nito.

"Palagi ka ngang galit sa akin, kahit hindi ko naman alam kung ano ang ginawa ko, " sabi niya pa.

"I'm sorry. " sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ganoon ang pagtrato ko sa kanya. Siguro nga dahil sa dati niyang ugali, na disappoint ako dahil sa mga naririnih at nakikita ko sa kanya. Pero iba na ngayon. Iba na.

"Pwede na ba akong makaalis? " tanong niya.

"Makinig ka muna sa akin, " pakiusap ko sa kanya.

"Sige, " tipid na sabi nito.

"It's true. Ikaw ang gusto kong pakasalan kaya sa iyo ako ang nag propose. Ikaw ang mahal ko, " sabi ko sa kanya. Nakatingin lang ito sa akin na tila naguguluhan. Napaatras ito at napailing iling.

"Imposible..." mahinang sabi niya.

"Anong ibig mong sabihin? " tanong ko sa kanya dahil naguguluhan na rin ako sa reaksyon niya.

"Hindi ba't si Lady Claire ang mahal mo? " seryosong tanong niya sa akin.

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi kaya naaalala na niya ang lahat.

END OF CHAPTER 11

The Villainess is Me?!  | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon