Aveonna
"Ang ganda naman dito."
Hindi ko maiwasang mamangha sa lawak ng library na ito. Mukang hindi ako maiinip dito dahil sa dami ng babasahin aabutin ako ng pagkahaba-habang panahon, kaya ngayon palang dapat na ako magsimula.
"Nagustuhan mo ba? " tanong ng prinsipe. Tumango lang ako at hindi na nagsalita. Masasayang lang ang oras ko sa kanya, ang dami ko pang gustong basahin.
"Ito ang pinakamalaking library sa buong kaharian, " sabi naman niya. Mukang nagyayabang pa, di bale atleast nasa loob ako ng pinakamalaking library sa kaharian kaya okay lang sa akin na magyabang siya sa ngayon.
"Good. Dito na lang ako palagi, " sabi ko naman sa kanya.
Napabuntong hininga naman siya bago nagsalita.
"Iwan muna kita dito. " tumango naman ako. Narinig ko pang nagsara ang pinto pero hindi ko na lang ito pinansin, mas importante ang mga libro dito.
Hindi ako makapili, parang noong nasa mansyon pa ako ng mga magulang ko. Gusto kong basahin ang history ng bansang ito pero mas gusto ko magbasa ng mga mystery, pero baka isang araw doon naman mapunta tapos puro patayan, hindi ko kakayanin iyon. Tingin ko bagay sa akin ang romance, atleast mas madaling paikutin sa aking mga palad.
---------
Too many good books.
Sa sobrang laki nitong library baka maligaw pa ako, kaya mas minabuti ko na lang na mag stay dito at magbasa ng mga horror books. Masaya ring sleep over, madalas ko iyong ginagawa noong bata pa ako pero dahil sa mga masasamang nangyari sa dati kong buhay, hindi ko na nagawa ang mga bagay na gusto ko. Pagbabasa na lang, kaya mahalaga itong pagkakataon na ibinigay sa akin.
"Hindi ko alam na mahilig ka palang magbasa, Lady Aveonna. " napatingin naman ako sa nagsalita, si Steven.
"A-anong ginagawa mo dito, " nauutal kong tanong sa kanya, siya kaya ang fictional character crush ko.
"Gusto ko ring magbasa ng mga libro, " sabi niya. Ang cute ng mga ngiti at titig niya, nakakatunaw.
"May dumi ba sa mukha ko? Kanina ka pa kasi nakatitig sa akin, " tanong niya sa akin. Halatang-halata ata talaga ako.
"Wala naman," sagot ko habang nakangiti. Aba, dapat lang na magpacute ako sa crush ko. Akalain mo, dati sa libro ko lang siya nababasa at naiimagine tapos ngayon harap-harapan na. Mas gwapo pa sa personal.
"Gabi na ah, bakit mo namang naisipan na magbasa pa dito? " nakangiting tanong ko sa kanya.
"Ikaw rin naman Lady Aveonna, andito ka pa rin, " natatawang sabi niya. Grabe parang lumiliwanag ang buong paligid kapag tumatawa siya.
"Maraming magagandang libro ang masarap basahin, hindi mo na mamamalayan ang oras, " paliwanag ko sa kanya.
"Tama ka, " pagsang-ayon nito sa akin.
Kumuha ito ng babasahin at inanyayahan ko siya na dito na sa tapat ko pumuwesto, noong una ayaw pa niya pero napilit ko din.
Pinagmasdan ko lang uli siya habang nagbabasa kahit anong pilit ko ay hindi ko mapigilan ang pagtitig ko sa kanya.
"M-may dumi ba sa mukha ko? " naiilang na tanong niya. Umiling lang ako bilang sagot.
"Sige balik na ako sa kwarto ko, sana magkita uli tayo bukas, " paalam ko sa kanya.
"Andito lang ako palagi sa library, " nakangiting sabi niya.
END OF CHAPTER 8
BINABASA MO ANG
The Villainess is Me?! | ✔
FantasyWaking up realizing she is inside a novel! Ava had a good life until her parents die and everything turned into chaos. The only thing that make her happy are the books she's reading, her only escape. Until one day she got fed up and decides to dri...