Chapter 17: What happened two years ago?

2.5K 120 8
                                    

Thoren

Nakatingin lang sa akin si Aveonna, gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko magawa.

"Please, " hindi ko kayang makitang malungkot si Aveonna pero natatakot ako na baka may mangyaring masama sa kanya kapag sinabi ko ang nangyari dalawang taon na ang nakakaraan. Dahil sa totoo lang may mga bagay din na hindi ko alam, mga bagay na si Aveonna lang ang nakakaalam.

"Gusto mo ba talagang malaman? " tanong ko.

Tumango naman ito. Napabuntong-hininga ako habang pinapakalma ang sarili ko, ako na dapat ang magsabi sa kanya ng mga nangyari hindi ang ibang tao.

-Flashback -

Kaarawan ko. Maraming taong nagsisidatingan, ang iba ay nagmula pa sa malalayong lugar. Marami ring nag-gagandahang mga dilag sa kanila, hindi na ako nagtaka, alam ko ang dahilan ng pagdalo nila. Umaasa silang na sana sila ang pili kong mapapangasawa.

Doon sila nagkakamali, una pa lang alam ko na kung sino ang aking pipilii. Pero hindi ko alam ang nangyari sa kanya at sa ugali niya, marami na akong masasamang bagay na narinig tungkol sa kanya. Kaya madalas ko na itong iwasan, hanggang sa maging ako nakita ko na rin ang masama niyang ugali. Nakaramdam ako ng pagkadismaya, alam ko na dahil doon hindi ko siya pwedeng maging reyna.

Pinagmasdan ko siya nang araw na iyon, masasabi kong siya ang pinakamaganda sa kanilang lahat. Pero ayoko siya lapitan, hindi ko rin alam kung bakit, umaaasa kong dahil doon magbabago siya.  Ang hindi ko alam isa iyon sa mga bagay na pagsisisihan ko.

Doon ko nilapitan si Lady Claire, talaga namang magkabaligtaran niya si Aveonna. Gusto siya ng lahat.

Nang lapitan ko si Lady Claire nakita kong sumama ang tingin sa amin ni Aveonna, pero hindi ko na ito pinansin. Samantalang iba ay nagsimulang magbulong-bulongan. Alam kong sa pagkakataong iyon, iniisio nila na si Lady Claire na ang napili ko. Nagkakamali sila, hindi madaling pumili.

"Gusto mo ba doon tayo sa may lawa? " tanong ko sa kanya. Tumango naman ito, gusto ko ring iwasan ang mga taong walang ibang ginawa kundi ang pag-usapan kami.

Umupo kami sa may lawa atUmupo kami sa may lawa at pinagmasdan ang bilog na buwan.

"Bakit ako po ang nilapitan niyo? " tanong naman niya.

"Mukang ikaw lang kasi ang mabait, " sagot ko naman.
pinagmasdan ang bilog na buwan.

"Bakit ako po ang nilapitan niyo? " tanong naman niya.

"Mukang ikaw lang kasi ang mabait, " sagot ko naman.

Hindi naman po, " sagot naman ni Lady Claire.

"Ang sweet niyo naman, " seryosong sabi ni Aveonna, sinundan niya pala kami.

"Anong ginagawa mo dito? " tanong ko sa kanya.

"Sinusundan ka, " tipid na sagot niya.

"Gusto ko lang makilala ang babaeng pinili mo, she looks ordinary, " sabi pa niya.

Hindi naman nakapagsalita si Lady Claire, nakayuko lang ito.
"Bakit ayaw mong magsalita Lady Claire? Sigurado akong maraming naghihintay sa iyo, " sabi pa ni Aveonna.

"Aveonna, tama na. Baka nakakalimutan mong ako ang prinsipe, ilugar mo ang sarili mo! " sabi ko sa kanya.

"Ipagumanhin mo mahal na prinsipe, alam ko ang lugar ko, hindi ko alam sa isa diyan, " sabi niya.

"Sige, aalis na ako, " parang natatakot na sabi ni Lady Claire.

Mabilis itong bumalik sa bulwagan. Nakaramdam naman ako ng galit kay Aveonna.

"Nababaliw ka na ba? " bulyaw ko sa kanya.

"Oo! " sigaw niya at saka ako tinulak, nakita ko ang galit sa mga mata pati rin ang matinding lungkot.

"Nangako sa akin, kagaya ka rin nilang lahat, " mahinang sabi niya. Bigla akong naawa, gusto ko siyang yakapin pero bago ko pa iyon nagawa ay umiwas na siya.

"Bahala na kayong dalawa, wala na akong pakialam kung ano pa ang gusto mong gawin, "  seryosong sabi niya. Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Bakit tingin mo siguro habang buhay ako magpapakatanga sa iyo no? " nakangising sabi niya.

Magsasalita pa sana ako nang makaramdam ako ng may na nunuod sa amin.

Nakaramdam ako ng kaba, hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Aveonna.

"Anong ginagawa mo? " tanong niya.

"Dito ka lang sa likod ko, " bulong ko sa kanya. Dahil sa sinabi ko nakaramdam din ito ng takot.

"Tama nga na dapat mo na siyang iwan binibini, sige ka mapapahamak ka lang nang  dahil sa kanya, " natatawang sabi ng lalaki na nasa itaas ng puno.

"Sino ka ba? " inis na tanong ni Aveonna.

"Alam mo binibini, sigurado akong magugustuhan ka ng amo namin. Matapang ka, "nakangising sabi ng lalaki kaya naman mas hinigpitan ko ang pagkakawak kay Aveonna.

"Bitiwan mo nga ako, kamahalan, " inis na sabi siya saka pilit na inalis ang kamay ko.
"Huwag ka ngang makulit, " bulong ko dito.

"Basta ako kapag namatay, walang may kasalanan kung hindi ikaw! " tila natatakot niyang sabi.

Hindi mangyayari iyon, " sabi ko naman, hindi naman na nagsalita si Aveonna.

Hindi ko alam ang susunod na hakbang ng lalaki, iniisip ko kung paano ko maiaalis si Aveonna sa sitwasyon na ito. Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan ang isang patalim na papunta sa akin.

"Kamahalan! " sigaw niya at saka ako tinulak. Dahil doon siya ang natamaan ng patalim sa may gilid.

Lalapitan ko sana siya nang maunahan ako ng lalaki.

"Bitiwan mo siya! "

"Kamahalan, isang hakbang pa, mamamatay itong kasama mo, " banta nito sa akin.

Walang emosyong nakatitig sa akin si Aveonna, hindi ko alam kung ano ang iniisip niya sa mga oras na iyon.

"Ano na ang gagawin mo ngayon, kamahalan? " tanong ng lalaki, hindi ako makagalaw o makasigaw para makahingi ng tulong dahil baka tuluyan nilang patayin si Aveonna.

"Anong kailangan mo? " tanong ko.

"Hindi mo na ako kailangang iligtas, " seryosong sabi ni Aveonna, naglabas ng punyal ang lalaki at nilapit ito sa leeg ni Aveonna.

"Ako lang ang magsasalita binibini, " sabi ng lalaki, lalo akong kinabahan.

"Malalaman mo sa mga susunod na araw, tandaan mo mamamatay itong babaeng ito kapag may ginawa kang hindi namin gusto, " banta nito at saka biglang naglaho kasama si Aveonna.

Napaupo ako sa may damuhan, hindi ko alam kung paano ko siya maililigtas.

Pinagmasdan ko ang kalangitan, hindi ako dapat umupo. Tumatakbo ang oras at baka kung ano ang gawin nila sa kanya.

Pinuntahan ko si Steven, isa sa pinakapinagkakatiwalaan kong knight. Sinama ko na rin ang butler kong si Darren. Kailangan naming pagplanuhan ang pagligtas sa kanya.

END OF CHAPTER 17

The Villainess is Me?!  | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon