PAGE 8

1 0 0
                                    

GOODBYE

Broken na broken talaga ako. Buti na lang at may nakakausap pa ako sa acc na'to. Kung wala, naku! Baka nabaliw na ang lola.

Letche kasing internet love na'to! Sino ba nagimbento nito? Sabihin niyo nang mayakap ko naman sa leeg, yung mahigpit at wala nang bitawan.

1 week na niya akong ini-ignore. Chat ako ng chat sa kaniya, pero siniseen lang naman ako. Like duh? Gold ba siya? Malapit pa naman na ang birthday ko tapos ginaganito lang niya ako?

Aba! Napakalaking pagkakamali!

Sino tinutukoy ko? Aba! Walang iba kundi ang boyfriend kong parang gold! Nakakainis. Bakit pa kasi ako na-falk sa hinayupak na yun? Ano bang meron dun?

Hmm... kilay, maganda ang mata, gwapo at higit sa lahat, maganda ang boses. Sa boses talaga ako na dale eh. Sana kasi sintunado na lang siya!

Sharedpost lang ako ng sharedpost. Syempre, not all the time may kausap ako na magkocomfort sa'kin. Hindi ko rin pwedeng sabihin kay mama na broken ako dahil sa internst love na yan. Baka makaltukan ako ng wala sa oras.

Tiningnan ko ang oras. Mag 12 am na pala. Kanina pa pala ako palaboy-laboy sa newsfeed ko.

Out of boredom, pumunta ako ng messages ko. Puro gc, naman! Scroll, scroll, scroll, hanggang sa mapunta ako sa kauna-unahang convo na meron ako.

Naalala ko tuloy yung noon, nung hindi ko pa pinapalitan ang pangalan ko dito.

Tinitingnan ko lang ang pangalan ng mga nakachat ko dati, hanggang sa may nakita ako.

Spotted: Crush ko noon na may gusto sa isa sa mga kaibigan ko sa gc ng writerhood.

Hmm, i-chat ko kaya siya? Kuya ko naman siya eh. Ginawa ko siyang kuya, since may crush naman siyang iba.

Motto ko kasi is no family stroke. Kaya ginawa ko na lang siya na kuya. Galing ko ano?

Pinindot ko ang conversation namin. Hmm... ilang buwan na rin since last chat namin pala. Chi-nat ko siya, and gladly, nagreply siya.

Hmm... may makakausap na ako except sa gc at sa iba pa.

Umabot ng ilang weeks ang usapan namin. Minsan lang kami magkaabutan kaya, minsan lang rin mag-usap.

Day of mine. Yes, birthday ko na nga! Hinihintay ko ang boyfriend ko, baka kasi magchat siya.

At 'di nga ako nagkamali. Nagchat siya pero tampo naman ang peg ko. Pero sinabi ko naman sa kaniya na birthday ko ngayon.

Grineet niya ako ng 'Happy Birthday' kilig na kikig ako. Oo na, marupok na! Pero mababaw lang talaga kaligayahan ko. Kaya marupok nga eh.

Nag-usap lang kami ng bf ko hanggang sa umabot ng 11 pasado. Bigla na lang siya'ng nawala.

Walang paalam, walang kahit ano. Basta bigla na lang siyang nawala tulad ng dati. Naiinisa ako. Sobrang naiinis!

Inintindi ko na lang kasi yun lang naman ang pwede kong gawin eh. Ang umintindi, ang intindihin siya.

OneShot CompilationWhere stories live. Discover now