SURPRISE
"AE!!!" napalingon ako sa sumigaw ng pangalan ko. It was Fhey.
Nginitian ko ito. "Fhey, kamusta?"
Nhumiti naman siya pabalik. "Ito, maganda pa rin," napangiti ako sa sagot niya. 'Di pa rin talaga siya nagbabago.
Fhey is my childhood best friend. Pero nung mag senior high, lumuwas na sila ng manila. And now, they're here again since it's summer.
Nagkwentuhan lang kami. Tawanan doon, tawanan dito. Masayang kasama si Fhey, lalo na sa gimik. Talagang 'di ka mabobored pag siya ang kasama mo.
"Nga pala, kamusta na kayo?" tanong niya bigla. Kayo? Kami ba ng family ko?
"Uhh... ok lang naman kami? 'Di naman nagkakasakit sina mama----"
"Kayo ng boyfriend mo, I mean."
Natigilan ako sa sinabi niya. Napangiti ako ng mapait. Well, sino naman kasi ang hindi? Ilang araw nang 'di ko siya nakakausap.
"We're fine, I guess?" nasagot ko nalang. Pinaningkitan niya ako ng mata. Problema nito?
"Tell me Ae, may problema ba kayo?"
I sighed. Imposiblenh di ako magsasabi sa kaniya. She's a persistent kind of girl lalo na kung meron akong problema.
"It's just that, ilang araw nang 'di siya nagpaparamdam. More like, 3 days."
I can sense her anger. Ayaw niya kasing nalulungkot ako. Maingat siyang kaibigan, kaya madali siyang magalit kapag nasasaktan ako o nalulungkot dahil sa isang tao.
"Huh! At ano na naman ang ginagawa niya? Don't say na sobranh busy siya to the point na hindi ka niya mabigyan ng time sa 3 days na yan?" galit nitong saad. I sighed.
"Fhey, may part time job siya. Baka nagoover time siya para dagdag sweldo."
"Naku! Baka kako nagoover time sa tao at hindi sa trabaho!" Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko nalang siya sinagot. "Change topic! Baka mawalan ako lalo ng gana pag siya yung topic. Baka sugurin ko yun, hmp!"
Nagkwentuhan lang kami ulit hanggang sa maggabi na. Nagpaalam na kami't lahat lahat pero ako, heto pa rin sa pwesto namin mula kanina. Sa bench malapit sa playground. Iniisip ko pa rin ang sinabi ni Fhey.
What if totoo yun?
What if 'di siya nagkakamali?
Pero si Jace yun. Mahal niya 'ko. Alam kong di niya yun gagawin sa'kin dahil mahal niya 'ko.
Iniling iling ko ang ulo ko. Trying to get rid of the negative thoughts. Hindi dapat ako nagooverthink, masama yun.
Tumayo na'ko para umuwi. For the 9th times, tiningnan ko ang cellphone ko. Baka kasi may message siya at 'di ko lang napansin. But to my dissapoinment, wala.
Nakita ko ulit ang date. "Girlfriend's day pala ngayon. I wonder kung ano ang ginagawa niya."
Maglalakad na sana ako ng biglang may naisip ako. What if, nagreready siya ng surprise para sa'kin?
Na-excite naman ako. "Pinapa-overthink mo talaga ako Fhey," saad ko at tumawa.
Nagsimula na'kong maglakad. Excited na'kong makita siya. Malay ni Fhey, baka nagreready lang siya ng bonggang surprise para sa'kin. Napaka-nega kasi.
Inilakbay ko ang tingin sa buong lugar. Kahit na pagabi na, mas lalong dumadami ang tao. Mas maganda kasi ang lugar kapag gabi dahil sa mga ilaw.
Kung sana nandito siya.
Nang ibabalik ko na ang tingin ko sa dinadaanan ko, merong nahagip ang mga mata ko.
"Si Jace yun ah," mahina'kong saad. Nandun siya siya sa food stand.Para kumpirmahin, medyo lumapit pa ako sa gawi niya and there. It's really Jace. Lalapitan ko na sana siya ng biglang may lumapit sa kaniyang babae sabay halik sa labi niya.
She was froze. Merong babaeng humalik sa boyfriend niya.
Dahan-dahan 'kong nilapitan ang gawi nila. Nakatagilid sila kaya 'di pa nila ako napapansin.
"Thank you babe. Akala ko nakalimutan mo na girlfriend's day ngayon," saad ng babae. Naalala naman pala niya na girlfriend's day ngayon. Ang nakalimutan niya, girlfriend niya ako.
Hinawakan ni Jace ang kamay niya. "Naman babe, ikaw pa ba?" sabi naman nito sa babae. Ang kapal naman ng mukha.
"Surprise ba 'to?" bigla kong saad. Tila nagulat naman si Jace.
"A-ae. K-kanina ka pa d-dyan?" utal nitong tanong sabay bitaw sa kamay ng babae at lapit sa akin. Hahawakan na niya sana ako ng bigla ko siyang sinampal.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko Jace. Surprise ba 'to?" may kadiinang saad ko. Hindi naman ito sumagot. Then I'll take your silence as a yes.
"Gandang surprise ah. Sobrang nagulat ako," sabi ko sabay tingin ng masama sa babae. Binalik ko ang tingin ko kay Jace. "Guess what? May surprise rin ako sa'yo. Gusto mong malaman?"
Nakita ko namang napalunok si Jace. Tama yan. Dapat ka talagang kabahan. "A-ano yun baby?" tanong niya. And he really still have the guts to call me with our endearment? Ang kapal talaga!
"Surprise! Break na tayo!" sabi ko at sinampal siya sa pangalawang ulit.
Agaran ko silang tinalikuran. Tinatawag ako ni Jace pero 'di ko siya pinansin. Huh! Manigas siya! Ang kapal ng mukha niya para magloko sa'kin!? Aeshielle ata 'to!
Naramdaman ko namang may tumulonh luha sa pisngi ko.
Damn! Ba't ko siya iiyakan?
Marahas ko itong pinunasan.
"I'll make you pay Jace Alvino. Nagkali kang magloko sa isang tulad ko."
VOUS LISEZ
OneShot Compilation
AléatoireNot all are perfect to be above. Here are the stories from my crazy little mind with random genres. Hope you guys will like it❤ Oneshots since 2021