PAGE 10

0 0 0
                                    

THE LOVE BETWEEN US

I'm always wondering. What is love? What's the real meaning of it? Why does someone gets hurt when they love? Hindi ba pwedeng happiness na lang instead na masaktan?

But they say na dapat piliin mo ng mabuti ang taong mamahalin mo. Parang sinabi na rin nila na kapag nasaktan ka, maling tao ang napili mo.

They say, love is like a power. Kaya ka nitong palakasin. It gives you brave para harapain ang mga problema para lang hindi kayo magkahiwalay. But sometimes, it makes you a monster. Lalo na kapag sinaktan nila ang taong mahal mo.

We were just in college, nang magkakilala tayo. First year college nung una tayong nagkakilala. You're my seatmate and became my talk buddy. Halos lahat ng subject ay magkablock tayo, except one. Pero ang nagiisang subject na naghiwalay sa'tin ng isang oras ay hindi hadlang para sa friendship na'tin noon. Hanggang sa umabot na tayo ng 3rd year college.

Tuwing breaktime, lagi tayo magkasama. Lagi mo rin akong nililibre. Syempre, ako naman, tanggap lang. Sino ba naman ako para tumanggi sa libre, diba?

"Ches. Paano mo malalaman kapag gusto mo na ang isang tao?" you asked suddenly. Napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa'yo.

"Hmm...."

"Dali dali!"

Mukhang na eexcite ka sa maririnig mo. Napabuntong-hininga muna ako bago sumagot sa'yo.

"Kapag gusto mo ang isang tao, hindi siya matanggal-tanggal sa isip mo. Yung lagi siyang takbo ng utak mo. Tapos, ayaw mo na may kasama siyang ibang lalake. May katawanan siyang ibang lalake. Kasi kapag nangyari yun, masakit." sagot ko sa tanong mo.

Napatango-tango ka naman na para bang sang-ayon ka sa sinabi ko.

"So, ibig-sabihin, gusto kita?"

Bigla akong napatingin sa'yo. Sa loob ng tatlong taon, never akong nagexpect na magkakagusto ka sa'kin.

"H-ha?"

Ngumiti ka sa'kin ng pagkatamis-tamis. "Wala! Hayaan mo na."

Aaminin ko man o hindi, talagang nasaktan ako. Sa loob ng tatlong taon, may gusto ako sa'yo. Pero hindi ko ipinaalam kasi natatakot ako. Nattaakot ako na mareject mo lang ako.

Tapos ngayon, mukhang pinagloloko mo pa ako. Muntikan ko nang makalimutan na maloko ka palang tao.

Tumawa na lang ako kahit na nasaktan ako sa isiping nagbibiro ka lang.

Ilang araw ang lumipas simula nang itanong mo sa akin iyon. Tulad ng dati, magkasabay tayo tuwing breaktine. Nagbabonding bilang magbestfriend.

Hanggang isang araw, nasa canteen tayo ng biglang may babaeng lumapit sa table natin.

"Uhm... L-leign." tawag pansin nito. Tumingin ka sa kanya ng nagtataka.

"Bakit?"

Nakita ko kung gaano kalapot ang pawis nito. Medyo nanginginig din ang kamay nito na para bang takot siya sa'yo. Teka! Magtatapat ba siya?

Hinintay mo ang sasabihin niya. Hanggang sa tumikhim ang babae bago ibuka ang bigbig nito sabay sabi ng tatlong kataga.

"I like you." saad ng babae habang nakapikit.

Nakiramdam ako at tiningnan ka. Pero parang wala lang sa'yo. Huwag naman sana na maging katulad ka ng ibang lalake na basta basta na lang itataboy ang babae.

Umiwas ako ng tingin ng lumingon ka sa akin. Naramdaman niya ba ang titig ko? anang isip ko.

Hindi ko kayang marinig ang sasabihin mo. Baka bigla mo na lang tanggapin ang babae, masasaktan lang ako.

OneShot CompilationDonde viven las historias. Descúbrelo ahora