LARO TAYO
Tahahimik na naglalakad ako sa kalye. Galing kasi ako sa tindahan, bumili lang ng ketchup. At ngayon, pauwi na. Medyo malayo-layo, wala kasing ketchup sa tindahan na malapit sa bahay kaya napalayo.
Ang gulo ko mag explain. Basta ganun!
Habang naglalakd ng tahimik, may namataan akong isang bata. Nakatayo sya sa puno na malapit sa isa sa mga streetlights. Hmmm, naliligaw kaya sya?
Nilapitan ko sya para sana tanungin pero naunahan nya akong magsalita.
"Samahan mo ako!" bigla nyang sabi.
Di ko alam pero bigla akong kinilabutan. Hmm, Siguro sa lamig lang na dala ng hangin ngayong gabi? Napaparanoid na ba ako?
"Nawawala ka ba?" tanong ko pero tinalikuran lang nya ako. Luh? Aalis na sya? Pero sabi nya samahan ko raw siya.
"T-teka lang! Anong pangalan mo?" tanong ko at sumunod sa kaniya. 'Di ko naman kasi alam pangalan nya. At lalong di ko alam kung ano yung mukha nya. Ang dilim kasi kahit na may streetlight, hindi ko maaninag ang mukha niya.
Pero kinikilabutan ako sa paraan ng paglalakad niya. Yung tipong, kahit sino ang makakita sa kaniya tataasan talaga ng balahibo.
Pero bata siya, masyado nang gabi at delikado sa kaniya ang mag-isa.
"Shayna," sagot nya. Napaka cold naman nya masyado, to think na bata lang siya, ah. May nangyari kaya sa kaniya? At anong ginagawa niya sa dis-oras ng gabi?
Sinundan ko nalang sya hanggang sa makarating kami sa isang magandang lugar. Isang magandang lugar kung saan araw-araw pinupuntahan ng mga bata para maglaro. Isang magandang lugar na kung saan merong naganap na napakalagim na crimen na ibinalita nung nakaraan lang sa tv. Ang pagpatay sa walang kamalay-malay na batang babae.
Teka! Ano nga ulit pangalan ng namatay?
Pagsasabihan ko na sana ang bata ng bigla nalang itong nawala, nalingat lang naman ang pansin ko ng sandali. Nasaan na siya? Napalinga-linga ako. Kinikilabutan na talaga ako ng todo, hanggang sa naging kaba na nga ito. Bukod sa nagiisa na lang ako dito at gabi pa, ay nawala bigla yung bata.
A-asan na sya?
"S-shayna? A-asan ka?" utal kong tawag pero, walang sumagot. Teka. Anong nangyayari? Sobra na talaga akong kinakabahan.
"Sa gitna ng gabi, ako sayo'y makikipaglaro." saad bigla ng isang tinig. Tinig na pagmamay-ari ni... Shayna?
"At ako'y iyong sasamahan..." Nagpalinga-linga ako. Saan siya? Saan nanggagaling ang tinig na yun?
"Hanggang kamatayan," bulong bigla sa aking likuran. Agad ko itong binalingan pero, walang tao sa likuran ko.
"A-anong nangyayari?"
"Tulungan moko!" sabi ng isang tinig sa likuran ko ulit, tila nasa isang panganib ito. Pag lingon ko, walang tao.
Teka, tumigil ka!
"K-kung sino ka man! H-hindi nakakatuwa ang g-ginagawa mo!" utal kong sabi sa sobrang kaba.
"Pero gusto ko lang naman maglaro!" saad pa nito na makikitaan ng lungkot.
Napatakip ako ng tenga. Ayoko na!
"Please! Wag ako! Please." pagmamakawa ko at tuluyan nang tumulo ang luha ko. Abot langit na ang kaba ko at hindi ko na alam ang gagawin. Please! Tulungan nyo ako.
"Wala namang masama makipaglaro, diba?" patuloy niya. Sobrang natatakot na ako. Yung tipong nanginginig ang boung katawan ko sa sobrang takot.
"M-maawa ka. Tama na."
"Pero bakit niya ginawa 'to?" tanong niya bigla na ikinatigil ko. Siya.... Siya ba yun?
Sa sobrang gulo ng isip ko at kaba sa dibdib, automatikong napatayo ako at naglakad papalayo doon ang mga paa ko.
"Teka! Wala akong kalaro!" mga salitang nagpatigil bigla sa akin. Mahinhin ngunit mababakasan ng lungkot.
Unti-unti kong nilingon ang nagsalita. Ayaw ko man gawin pero, di ko mapigilan ang sarili ko. Hanggang sa naramdaman ko ito na mas lalong lumapit sakin.
"Laro tayo!" saad niya. Isa siyang bata. Puno ng dugo ang mukha. Nawawala ang kaliwang mata, at ang bibig ay sobrang ibinuka sanhi ng pagkasira ng balat hanggang tenga.
Mas lalo siyang ngumiti sa akin. "AAAAAAAAHHHHHHH"
VOCÊ ESTÁ LENDO
OneShot Compilation
DiversosNot all are perfect to be above. Here are the stories from my crazy little mind with random genres. Hope you guys will like it❤ Oneshots since 2021