PAGE 5

1 0 0
                                    

ABALA LANG

Nag-iisa akong naglalakad sa hallway ng building. Hindi ko na naman makita ang hinahanap ko. Asan na kasi yun?

Pagkadating sa school garden, napakaraming students ang nakatambay. Kaya nagpalinga-linga ako para hanapin siya.

There, spotted!

"JIRO!" sigaw ko. Nakita ko naman siyang napasimangot na ikinatawa ko. Ang gwapo niya pa rin.

"Ano na naman?" galit niyang asik. Humawak naman ako sa dibdib ko na parang nasasaktan. "Ouch, 'di mo na'ko love?"

Mas lalo siyang napasimangot sa ginawa ko. Tumayo siya at hinila ako papalayo sa barkada niya. Magde-date ba kami? Teka, 'di ako ready.

"Saan tayo magde-date, este, pupunta mahal?" tanong ko rito. Pero hindi niya ako sinagot.

Hala? Galit ba'to?

Nanahimik na lang ako kesa kulitin pa siya ng tanong. Baka kasi mas lalo siyang magalit, masira future namin.

Mga ilang sandali, narating namin ang likod ng senior high building. Tiningnan ko naman siya.

"Pwede ba? Stop chasing me." saad nito. Tumawa ako ng mahina. Ang sakit lang, ni hindi man lang niya ma-appreciate ang effort ko.

"'Wag ka ngang ganiyan. Mapanaket ka masyado ah," sabi ko na nagbibiro sabay tawa ulit ng mahina. Ni hindi man lang nagbago ang ekspresyon niya kaya tumigil ako sa pag tawa at umubo kunwari. "Fine! Anong gagawin ko?"

"Layuan mo'ko," saad nito. Nginitian ko siya. "Ayoko! Grabeh ang effort ko para lang mapalapit sa'yo pagkatapos, papalayuin mo lang ako? Aba! Mali 'yan." Napapikit naman siya ng mariin. Yung tipong, sumasakit ang ulo niya kasi may pasaway sa harap niya at ako 'yon. Ngumiti lang ako sa kaniya.

"I don't care about your damn efforts! Hindi ko sinabing gawin mo 'yon!" halos pasigaw niyang saad. Nawala naman ang ngiti ko sa labi. Galit ba siya? Pero bakit? "Abala ka lang sa akin, Ashley. Inaabala mo ako kaya please lang, please, stop this sh*t."

Iniwan niya ako dun na nakatulala. Abala? Ako? Abala lang pala ako sa kaniya?

Napalunok ako ng laway bago huminga ng malalim. Ganun lang pala tingin niya sa'kin? Kung sinabi niya ng mas maaga, sana 'di na ako nagsayang ng efforts.

Ini-iling iling ko ang ulo ko at tiningnan ang oras sa relong suot ko. 7 minuto na lang at magsisimula na ang klase. Kailangan ko ng magmadali at baka ma-late pa ako.

Umalis na sa lugar na yun at pumasok sa klase. Sa classroom, pasulyap-sulyap ako kay Jiro. Wala eh? Hanggang tingin na lang talaga ako. Kelan kaya ako titigil?

Lutang ako buong klase. Haggang sumapit ang hapon at uwian na. Hindi na ako lumapit pa kay Jiro, baka kasi magalit na naman siya.

Naglakad lang ako pauwi. Ilang kanto lang naman kasi ang lalakarin ko, sayang lang ang pera kung sasakay pa ako ng tricycle.

Nag-iisip ako. Bakit lagi na lang ganito?

Masakit. Ang sakit ng puso ko, napalalim na ba ng sobra ang feelings ko sa kaniya? Sana hindi ko na lang siya nagustuhan.

"Nandito na po ako," halos pabulong kong saad. Wala namang may pakielam kaya ok lang kahit na 'di nila marinig. Nakayuko lang akong naglakad papunta sa'king kwarto.

Pagkapasok, deretso higa agad sa kama. Nakakapagod, kahit wala namang masyadong ginawa nakakapagod talaga.

"Nagugutom na ako." bulong ko sa sarili. Tumayo ako para magbihis at bumaba. Kakain muna ako bago ako maging patay gutom na.

Napatawa ako sa naisip. Para akong tanga.

Pagbaba ko, saktong kakain na kami. Kaya pumwesto na lang kami. Habang nasa hapag kainan, naguusap ang mommy't daddy ko pati na rin ang mga kaptid ko. Hanggang sa napunta sa'kin ang atensyon nila.

"How's your school, Ashley?" tanong ni daddy nang nakatingin sa'kin. Naging dahilan rin yun para matahimik sila.

"Ayos lang naman po," nakayuko kong sagot. Ayaw ko kasi ng paraan nila ng pagtitig sa'kin. Para bang tinutunaw nila ako.

"Keep that up. You know na ayaw namin ng abala."

Abala. Ayan na naman. Gets ko na, ok? Abala lang ako, so, can they stop that already?

I just nodded on them at pinagpatuloy ang pagkain kahit nawalan na ako ng gana. It's ok, few more years and this will be over. Just do your very best, until then.

---

"Ash, canteen." aya ni Yuji, bestfriend ko. Ngumiti ako sa kaniya at umiling. "Ba't?"

"Walang gana, Ji." Tumango-tango lang ito at umalis.

Yuji is a female masculine. Babae siya na may pagkalalaki. Maraming tao ang napagkakamalan siyang tomboy. Lalaki kasi kung kumilos.

But despite all of that, pusong babae siya. How can I not know? We've been known each other since birth.

It makes me think tho, abala lang rin ba ako sa bestfriend ko?

"What were you thinking?" bungad na tanong ni Yuji sabay lapag ng yakult sa desk ko.

I looked up at her and smiled. "Wala naman. Ikaw? Sabi ko sayo wala akong gana, eh. "

"So? Yan na nga lanng binili ko sayo. Inuminn mo na 'yan." I just smiled at her.

Ako? Abala sa kaniya? I hope not.

---

*P.E time*

"Alam mo, napapansin ko na malalim ang iniisip mo." komento ni Yuji sabay pasa ng bola sa akin. Catching balls kami ngayon PE at by partner ito. "Si Jiro na naman ba?"

Bumaling ako sa pwesto nina Jiro. Ka-partner niya ang isang kaklase namin na babae.

"I told you, stop chasing him."

"I already did." sagot ko at pinasa pabalik sa kaniya ang bola. "Ayokong maging abala sa lahat."

"Sinabi niya 'yan sa'yo?" tanong nito sabay pasa ng bola, but this time, medyo may pwersa na ito. "Sorry."

I sighed. "No, I just remembered what dad said last night." I lied. Alam ko, kapag nagsabi ako ng totoo sa kaniya, susugurin niya si Jiro bigla.

"Don't mind your, dad. Hindi ka abala." Her words made me smile. I'm praying for our friendship to last.

---

5 months past and another 2 months, graduate na kami in high school. And as what I told Yuji, todo iwas na ako kay Jiro. Napapansin ko na napapansin niya rin iyon. But, I don't care anymore. He can think everything he wants to.

"Ashley." biglang harang sa akin ni Jiro. Speaking of the devil. Hi di ko siya nakita sa dinadaanan ko. I sighed in exhaustion and looked at him."Are you avoiding me?"

Napamaang ako. What now? "May lagnat ka ba, Jiro?" Hindi siya nakasagot sa tanong ko. "You know what? Kung wala kang magandang sasabihin, could you please let me through? Kailangan ko pa dalhin ito sa stock room."

"Let me help you."

Akmang kukunin niya ang mga hawak ko nang ilayo ko ito. "No need, Jiro. I know you're kind of busy. Abala lang sa'yo kapag tumulong ka pa."

I left him speechless. I don't need someone who don't need me.

"Ash, let me help you." sulpot bigla ni Yuji. Binigay ko sa kaniya ang ibang hawak ko. "That speech was cool. Made him speechless." we laughed at her remarks. Yeah, I don't need anyone who don't need me. Why would I? I already have my bestfriend here. At hindi ako abala sa kaniya.

And the deal between me and my father are done. I can finally live freely without anyone saying 'Abala ka lang'.

OneShot CompilationOnde histórias criam vida. Descubra agora