Malakas na Kalabog
Napupuno ng sigawan ang buong silid-aralan.
Mga estudyanteng nag hihiyawan.
"Ikaw ang walang kwentang kaibigan, Hindi mo na dapat siya sinagot kung alam mo namang Ex ko na siya" sabay sampal ng isang babae sa kapwa niya estudyante.
"Teka ano yan!, Tigilan niyo yan." Awat ni Miss Cloe sa kaniyang mga Estudyante.
Kumakain siya sa Faculty Room ng bigla siyang tawagin ng kaniyang mga advisory Class dahil mayroon daw nag-aaway sa Classroom.
Nang matapos kong Pangaralan sila ay sabay sabay silang tumayo.
"HAPPY TEACHER'S DAY MISS CLOE"
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko ng isa isa silang lumapit sa akin upang magbigay ng tig isang rosas.
Hindi ko na mapigilang umiyak dahil para akong 18 years old na nagkaroon ng Debute dahil isa isa nila akong isinasayaw.
Labis ang ngiti ko ng matapos ang Surprise na ibinigay sa akin ng mga Advisory Class ko.
"Mammmm, naiwan niyo po." Napalingon naman ako sa tumawag sa akin.
Si Alex isa sa mga estudyante kong tinuring ko ng anak kaya palagay ang loob ko.
"Salamat Alex." Tipid na turan ko sa kaniya.
"Mam may sasabihin po sana ako." Nahihiya niyang turan kaya napakunot ang noo ko.
Kilala kasing Astig na bata tong si Alex pero mukha itong maamong tupa ngayon sa harap ko. Mayaman kasi ang pamilya niya kaya takot sa kaniya ang ibang kaklase niya at ang mas malala ay pati ang mga teacher niya.
"Miss, Gusto kita" napatanga na lang ako sa sinabi niya. Hindi na ako magpapaka impokrita pero pansin ko ang mga titig niya sa akin pero mali itong ginagawa niya.
"Alex, Alam mong Teacher mo ako kaya---" Hindi ko na naitapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong halikan.
Pilit akong nagpumiglas ngunit iba ang lakas niya. Bilang isang College Student at sa edad na 19 years Old ay napaka lakas na nito.
"Miss, Pakinggan mo ako" sabay luhod nito sa aking harapan. Hindi ko gustong saktan ka pero hindi tayo pwede" sabay kalas ko sa kamay niya.
"Hindi porket 8 years ang tanda mo sa akin ay hindi na tayo pwede. Akin ka lang Miss Cloe" sabay talikod nito sa akin.
BINABASA MO ANG
TEACHER (COMPLETED)
RomanceSTONE SERIES Kapag Teacher ka, Akala nila Perfect ka. Hindi nila alam may Sekreto ka din katulad nila. Miss Cloe Samantha Mendoza Mabait, Matalino, At Higit sa Lahat maganda ---------- Tunghayan ang kaniyang Istorya NOTE: Ang ibang Chapters ay naka...