"CLOE'S POV"
Binagsak ko ang aking katawan sa higaan ng maramdaman ang sobrang pagod. Hindi ko nadala ang Kotse ko kaya nag Commute lang ako pauwi.
Gustuhin ko mang tumayo at linisin ang aking katawan dahil sa mga alikabok na nakuha ko sa biyahe ay hindi ko na nagawa dahil sa sobrang pagod.
Pagkapikit ko ay naalala ko ang mga sinabi ni Alex. Itinuring ko siyang anak kaya hindi ko masusuklian ang gusto nito.
"Hindi naman dahil sa mas matanda ako sayo kaya hindi kita mapagbigyan sa gusto mo. May iba na akong mahal at siya lang ang mamahalin ko habang buhay" bulong niya sa kaniyang sarili.
Dinukot ko sa bulsa ng aking Bag ang larawan namin ni Hiro.
"Dahil sa propesyon ko ay hindi pwedeng maging kami ni Hiro. Katulad ni Alex ay bata pa din ito." Napabuntong hininga siya at ilang minuto lang ang lumipas ay hindi na napigilan ng kaniyang mga mata ang lumuha.
"Umalis na ito at tinupad ang mga pangarap niya sa ibang bansa" bulong pa niya sa sarili.
Buong gabi siyang umiyak. Katulad noon ay wala na siyang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak.
Kabababa lang ni Cloe sa Van na sumundo sa kaniya para sa kanilang Seminar dito sa Zambales. Isa siya sa mga napiling dumalo dito at magrepresent ng kanilang School.
"Cloe halika na, Magkaiba tayo ng Room" turan ni Bea.
Silang Dalawa ang napili ng School pero mukhang hindi sila magkasama.
"Babyeee" paalam nila sa isa't isa. Nasa 2nd Room pala ang Room ni Bea samantalang siya ay nasa 3rd Floor kaya bigat na bigat siya sa mga bagaheng dala niya.
Dahil sa ngalay ay binilisan niya ang paglalakad. Binuksan niya ang pinto ng kwarto at isinala,pak lahat ng kaniyang bahagi.
Hindi na niya chineck ang buong kwarto dahil sa pagod agad siyang humiga at pumikit. Papaántok pa lang siya ay may biglang humila sa kaniyang paa kaya wala siyang nagawa gundi ang magsisigaw.
"Aray Miss, Ang sakit mo naman sa tenga" Iritang turan ng binatang nasa Harapan niya.
Napapikit na lamang si Cloe dahil nakahubad Baro ang lalaki at tuwalya lang ang nakatakip sa ibabang parte nito.
Dahil sa pagkataranta ay wala na siyang nagawa kundi bungguin ito para lang makalabas.
"Ughh, Aray" Daing nito dahi; natumba ito at lumaki ang kaniyang mga mata ng makita ang hindi niya dapat makita.
"AHHHHHHH, BASTOSSS" sabay takbo niya. Rinig pa niya ang malakas na tawa ng lalaki bago siya lumabas ng Kwarto.
BINABASA MO ANG
TEACHER (COMPLETED)
RomantizmSTONE SERIES Kapag Teacher ka, Akala nila Perfect ka. Hindi nila alam may Sekreto ka din katulad nila. Miss Cloe Samantha Mendoza Mabait, Matalino, At Higit sa Lahat maganda ---------- Tunghayan ang kaniyang Istorya NOTE: Ang ibang Chapters ay naka...