6

865 10 0
                                    


CLOE'S POV

FIELD TRIP

"Class, Alphabetical po ang setting Arrangement natin." Turan ko sabay banggit ng mga apelyido nila.

"Yehey, katabi kami ni Hiro. Let's go dito ka" sabay pakikay na turan ni Mitchel.

Minsan kahit Teacher niya ako ay gustong gusto ko siyang sabunutan pero Teacher's Duty ika nga nila.

"Miss, Pwede bang sa likod nalang ako? Nagsusuka ako sa unahan" turan ni Hiro sabay kindat.

"No, kailangan sundin ang Arrangement Mr.Buenaflor. Ms.Cloe katabi mo si Mr. Emil sa likod ako na dito sa unahan" Turan ni Mr. Stone ang siyang may-ari ng School.

Wala na akong nagawa dahil si Mr. Arnold Stone ay ang panganay at ang nagpapatakbo ng paaralan. Nang dumaan ako sa harapan ni Hiro ay para itong nireregla dahil may pataray-taray pa.

Gusto kong matawa pero naiinis din ako dahil sa pagiging malandutay ni Mitchel. Kahit naman Teacher ako ay tao pa rin akong nagseselos.

Buong oras sa Biyahe ay wala kong ginawa kundi ang matulog ng matulog. Nang magkaroon ng Cr Break ay napilitan na akong lumabas dahil sumakit na ang pwet ko sa kakaupo.

"Masarap bang maging sandalan si Emil?" inis na turan ni Hiro na nasa tabi ko na pala.

"Hinaan mo nga ang boses mo. Baka may makarinig sa iyo. Ikaw nga gustong gusto mo ang pag lalandi ni Mitchel sayo" bulong ko din.

Nag-aasaran kami hanggang sa tinawag na kami papasok ng Sasakyan.

Aandar na sana ang sasakyan ng tumayo si Mr. Stone. Lumapit siya sa kinauupuan ni Hiro kaya hindi ko mapigilang mag-alala.

"Sige Mr. Buenaflor, Doon kana sa Dulo palit na kayo ni Sir.Emil" turan pa nito.

Nagtaka naman ako sa ginawa ni Mr.Stone. Napailing nalang ako ng makitang naglalakad si Hiro papunta sa akin na may ngisi sa mukha at pahimas himas pa sa leeg niya.

"Magaling kang kupal ka" bulong ko dito dahil pinagtitinginan kami ng mga estudyante.

TEACHER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon