Maaga pa lang ay panay na ang tawag k okay Hiro. Kagabi pa kasi ito hindi manlang tumawag sa kaniya. Nag aalala na siya dahil wala itong paramdam.
Late na siyang nakapasok dahil napuyat siya sa kakaantay sa mga message nito.
Pagkababa pa lang niya ng sasakyan ay masama na ang tingin sa kaniya ng mga estudyante. Hindi naman niya alam ang nangyayari kaya agad siyang pumasok sa Faculty.
"Mam bakit kappa pumasok? Hindi ka ba nagbabasa ng Message?" Tarantang turan ni Bea.
"Ano bang---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ng bigla akong sampalin ni Mitchel na sobrang ikinagulat ko. Hindi pa ito nakuntento at hinila ako sa buhok papunta sa Bulletin Board.
Ganoon na lamang ang iyak ko ng makita ang mga pictures naming ni Hiro na naghahalikan, magkahawak kamay at higit sa lahat yong araw na pumasok siya sa Tent. Pero mapapansin mong ako lang ang pinag iinitan ng nagpakalat ng pictures ng mga ito dahil naka blured ang pictures ni Hiro.
"Malandi ka pala, Akala mo kung sinong Santa santita.Mabait kuno, pero tirador ng mga estudyante." Sabay tawa ng malakas.
Kitang kita ko ang mga Estudyante ko na hindi manlang ako pinagtanggol at ang mga mukha nilang nandidiri sa akin.
Wala na akong nagawa kundi ang yumuko at umiyak. Gustong gusto kong tawagin si Hiro, Gusto ko siyang yakapin sa mga oras na ito pero wala siya.
Pumantay si Mitchel at binulong sa akin ang mga salitang gumuho sa mundo ko.
"Plinano naming dalawa to. Akala mo mahal ka niya? Ako ang mahal ni Hiro" bulong nito na ikina-iling ko.
Kaming dalawa lang ni Mitchel ang nakakarinig ng sinasabi ng isat isa kaya malakas ang loob kong umiling.
"Alam kong hindi ka maniniwala, kaya ito ang ebidensiya. Kagabi nasa akin siya. Ginamit ka lang niya. Nakikita mob a siya ngayon dito? Wala, kasi nasa akin na siya." Sabay laglag ng larawang nagpawasak ng puso ko.
Larawan nila ni Hiro na nasa higaan. Si Hiro nga iyon dahil yon na yon ang damit niya bago siya umalis sa bahay.
Doon na ako nawasak.
BINABASA MO ANG
TEACHER (COMPLETED)
عاطفيةSTONE SERIES Kapag Teacher ka, Akala nila Perfect ka. Hindi nila alam may Sekreto ka din katulad nila. Miss Cloe Samantha Mendoza Mabait, Matalino, At Higit sa Lahat maganda ---------- Tunghayan ang kaniyang Istorya NOTE: Ang ibang Chapters ay naka...