CLOE'S POV
Dahil sa pagmamadali ay hindi niya namalayang may makakasalubong siya. Muntikan na siyang matumba kaya napapikit na lang siya.
"Miss, I catch you" Baritong tinig na kaniyang narinig. Huminto ang mundo niya ng pamilyar na boses ang kaniyang narinig.
Padilat pa lang siya ng itayo siya ng nakabangga niya. Pagkalingon niya ay tanging likod nalang nito ang kaniyang nakita.
Gusto niyang hilingin sa Diyos na siya nalang ang lalaking miss na miss na niya pero alam niya sa sariling wala na ito sa bansa nila at masaya na ito sa bagong buhay na kinahaharap niya.
Winaksi niya sa isipan ang mga imahinasyon ni Hiro. Walang patutunguhan kapag inisip niya pa ito.
"Goodmorning Class" sabay lapag ng kaniyang mga libro.
Bumati din ang mga ito sa kaniya. Matapos magdasal ay nag check agad siya ng Attendance.
"Goodmorning Miss" napalingon siya sa pintuan ng Classroom ng marinig ang boses ng lalaking pamilyar sa kaniya.
Gumuho ang tapang niya ng makita ang walang emosyong mukha ng lalaki. Hindi nagbago ang itsura nito maliban na lang sa mga munting balbas nito.
Nagtilian ang mga estudyante ko ng pumasok ito sa loob ng Classroom.
"In-tro-duce your Self" Hindi ko mapigilang mautal ng sabihin ko yon sa kaniya.
" I know you now me" bulong nito sa kaniya na nagpatigil sa paghinga niya.
"Hi, Im Hiro Aron Buenaflor. 19 Years" maikling turan nito. Naghiyawan naman ang mga estudyante.
Sa totoo niyan ay buong oras ko sa kanila ay hindi ako mapakali dahil na rin sa pag titig ni Hiro. Marami akong gustong itanong sa kaniya pero alam kung hindi pa ito ang tamang oras para doon.
"Goodbye Class. Please pag-aralan ang lesson natin. If may tanong pwede akong ipm sa Messenger. Please Mitchel isali mo si Hiro sa ating GC. Thanks" Akmang aalis na ako ng biglang lumapit si Alex at kunin ang mga dala ko. Gusto ko mang tumanggi ay hindi ko na nagawa dahil dire-diretso na itong lumabas.
---
Akala ko matatapos na ang araw ko ng hindi ko na siya muling makikita pero nasa tapat siya ng kotse. Gusto ko mang umiwas pero hindi ko naman kayang ipagtabuyan siya.
"Wala pa tayong Official na Break Up pero nakikipaglandian kana sa iba?" galit na turan nito sa kaniya.
"Excuse me" may diing turan ko dahil nagpantig ang dalawang tenga ko sa narinig.
Tinulak ko siya paalis sa loob ng kotse ko dahil sa sobrang galit.
"Ano ba, Bitawan mo nga ako. Nasa School ka at baka nakakalimutan mo TEACHER mo ako dito" may diin ko pang turan sa kaniya.
Hinila niya ako papasok at agad na pinaandar ang kotse. Gusto ko siyang sabunutan dahil sa mga sinabi niya sa akin.
Ilang oras kaming nasa biyahe na hindi ko alam kung saan patungo. Nang inihinto niya lang ang sasakyan saka lang ako gumalaw sa kinauupuan ko.
"Look, Im Sorry. Hindi ako tumuloy sa States para lang makasama ka. Sinabi ko na din sa parents ko ang dahilan kung bakit ayuko ng tumuloy. Ilang araw, buwan akong lumayo sayo para lang patunayan na mahal kita kahit na mas matanda kapa sa akin. Nangako ako sa kanila na hindi laro itong relasyon natin." Hinihingal na turan nito. Napatulala naman ako dahil sa sinabi niya.
"Alam na ng parents mo?" utal kong turan. Alam ko kasing ayaw sa akin ng mga magulang niya.
"Oo. Simula pa noon ay kilala kana nila." Maikling turan niya.
"Sorry kung nagagalit ako. Nainis lang ako ng malamang nililigawan ka ng Teacher Emil na iyo at nang makita kang halikan ng gagong Alex na iyon" sabay suntok nito sa manibela.
Hindi alam ni Cloe na naroon pala si Alex ng time na iyon kaya ganito ito magalit sa kaniya.
"Sorry" mahinang bulong ni Cloe.
Hindi naman mapigilang halikan ni Hiro si Cloe. Ang halik na iyon ang nagpapatunay na mahal na mahal niya ang babae.
BINABASA MO ANG
TEACHER (COMPLETED)
RomanceSTONE SERIES Kapag Teacher ka, Akala nila Perfect ka. Hindi nila alam may Sekreto ka din katulad nila. Miss Cloe Samantha Mendoza Mabait, Matalino, At Higit sa Lahat maganda ---------- Tunghayan ang kaniyang Istorya NOTE: Ang ibang Chapters ay naka...