13

512 6 0
                                    


3 MONTHS LATER

Bitbit ni Cloe ang kaniyang mga gamit papalabas ng School kung saan ilang taon din siyang binuhay.

Namamaga pa ang kaniyang mga mata pero hinayaan niyang pag piyestahan siya ng mga mapanuring tingin ng iilang estudyante.

"Bagay lang yan sa kaniya, Malandi siya"

"Kadiri"

"Walang delikadesa"

"Buti na lang si Mitchel ang nag bisto ng kababuyan niya"

Marami pa akong naririnig na mga sabi-sabi pero hindi ko nalang ito pinansin.

"Ouch" maarteng turan ni Mitchel matapos niya akong banggain. Kitang kita din ang pamamaga ng mata ntio. Alam niyang sangkot ito sa pagkamatay ni Hiro.

"Aalis kana? Buti naman wala ng malandi dito" Maarteng dagdag pa nito.

"Ow, Excuse me" pagtataray ko din sa kaniya.

Akmang sasampalin niya ako ng biglang dumating si Mr.Stone.

"Hindi ko tinotolerate ang pambubully sa School ko Mitchel" baritong turan ni Mr.Stone.

"But---" hindi na naituloy nito ang pagsasalita ng biglang magsalita ang isang boses na matagal kong inintay.

"No buts Mitchel" napatulala ang lahat sa nakita. Kahit ako ay hindi makapaniwala ng makita ko ito bgayon. Gustong tumalon ng puso ko.

"Sorry Baby. Kailangan kong magpanggap na patay para mapagbayad ang taong nagtangka sa buhay ko" sabay tingin kay Mitchel. Halos lahat din ng estudyante ay nakatingin na sa amin.

"Anong pinagsasabi mo?" kabadong turan nito.

"Akala mob a hindi ko alam, Ikaw ang nagpakalat ng Picture naming ni Cloe" sabay ngisi niya.

Lahat naman ng Estudyante ay nagbubulungan.

"Yes ako nga. Ako ang nasa picture kasama si Cloe at isa pa, Alam ko ding ikaw ang nagplano na painumin ako ng Sleeping pills kaso napadami ang lagay ng Kasambahay niyo kaya kamuntik na akong mamatay" paglalahad pa niya.

Namumula naman na sa hiya si Mitchel kaya hinawakan ko na ang kamay ni Hiro. Gusto kong kumpirmahin na siya talaga ito.

Niyakap ko siya. Wala na akong pakialam kong marami ang nakakakita sa amin.

"IMORAL ANG GINAGAWA NIYOO" malakas na sigaw ni Mitchel kaya napatingin ang lahat sa kaniya.

Gusto ko mang magsalita pero pinigilan ako ni Hiro. Hinalikan ako nito sa pisnge sabay lumakad sa Gitna.

"Oras na para makilala niyo talalaga ako. I'm Hiro Aron B. Stone." Sabay ngiti sa lahat.

Napasinghap ang lahat at lalo na ako dahil sa pagkagulat. Ano daw?

"Alam kong hindi kayo makapaniwala. Ako ang bunsong anak ng mga Stone. Gusto nila akong mag-aral sa ibang bansa pero hindi ko kaya dahil maiiwan ko ang puso ko." Sabay tingin sa akin.

Hindi ko na mapigilang mapaiyak habang yakap siya.

"Wow, Im so Proud of you Little Bro. Naunahan mo pa ako." Sabay halakhak niya kaya napahalakhak na din kami.

Ngayon naging malinaw na sa akin kung bakit ganoon na lang ako kamahal ni Hiro. Kaya niyang itapon ang pangarap na makapunta sa States para lang sa akin.

TEACHER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon