7

763 8 0
                                    


CLOE'S POV

Pagkarating namin ay agad akong naglatag ng Tent. May partner partner sa Tent at may isa isa katulad ko. Bumili pa ako nito sa mall para mas maging komportable.

"Nasaan ang Tent mo, Tutulungan na kitang mag ayos." Turan k okay Hiro na nakatingin lang sa naayos kong Tent.

"Akala ko share tayo" walang prenong turan nito.

Hindi ko napigilang batukan siya.

"Ano ba, Hindi tayo pwedeng mag share dito dahil Teacher mo ako" turan ko dito, Nagkaroon pa kami ng kunting pagtatalo pero sa dulo ay napaki usapan naming si Ben na mag share silang dalawa.

Kinahapunan pagkatapos naming kumain ay gumawa kami ng Bonfire. Naglaro din kami ng Truth or Dare naging maganda naman ang laro pero hindi ko maiwasang kabahan ng sumagot si Hiro dahil siya ang nature ng Bote.

"Truth" maikling turan nito.

"May pag-asa ba ako sayo?" malanding tanong ni Mitchel. Ang sarap talaga hambalusin ng babaeng to.

"Wala, May mahal na akong iba at hindi ikaw yon" harsh na turan nito habang nakatingin sa akin kaya hindi ko napigilang hindi tumayo at nagpaalam na magbanyo.

"Loko ka talaga Hiro, Mapapahamak tayo sa ginagawa mo" bulong ko sa sarili ko habang naglalaro ng tubig sa dalampasigan.

"Bat nag-iisa ka diyan?" tanong ni Mr.Stone kaya napa ayos ako ng tayo.

"Ay, Mr.Stone naglalaro po ang mga bata kaya iniwan ko muna sila" agad kong paliwanag dahil baka mapagalitan ako.

"Ms. Cloe, Hindi na sila bata. Binubulbol na nga ang mga iyon e" hindi ko naman mapigilang tumawa dahil sa sinabi nito.

"Ms.Cloe satingin mo ba may asawa na ako?" biglang tanong nito kaya bigla akong napatingin sa kaniya. Hindi siya mukhang matanda para ngang mas matanda pa ako sa kaniya pero sabi nila nasa 32 years old na daw siya.

"Wa-la pa po" maikling turan ko na ikina halakhak niya.

"Meron na. Ang kaso wala akong lakas na loob ipaglaban siya dahil magkaaway ang angkan naming dalawa." Malungkot na turan nito.

"Ikaw kaya mob a siyang ipaglaban?" makabuluhang tanong nito. Kaya napaisip ako sa sinabi niya.

Hindi pa ako nakakapagsalita ng may tumawag sa akin.

"Miss.Cloe halikaa naa" Sigaw ni Hiro na may galit sa boses kaya nagpaalam na din ako kay Mr.Stone dahil hindi pa siguro ako handing sagutin ang tanong niya.

Tahimik akong pumasok sa Tent ko. Medyo may kalakihan naman ito kaya hindi ako nahirapang pumasok.

Nagulat ako ng biglang sumunod si Hiro at mas nauna pang humiga sa akin.

"Bakit ka naririto?" tarantang turan ko, hindi ito sumagot at hinila pa ako pahiga.

"Huwag ka ng maingay baka may makarinig sayo, sabihin baliw kappa" sabay tawa nito.

Magsasalita pa sana ako ng saglit niya akong halikan.

"Huwag kang mag-alala, Gigising ako ng umaga para lumipat ng tent" sabay yakap nito sa akin.

Hindi na ako nagsalita pa at niyakap na lang din siya. 

TEACHER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon