Chapter 10
"What? Have you seen it? Anong sabi?" sunod-sunod kong tanong kay Jorge. Nauna na ang dalawa sa Starbucks kasama ang mga boyfriend nila. Wala akong balak sumama at kinulit ko pa kanina si Jorge na tingnan sa office ni Mrs. Real, classroom adviser namin ang excuse letter ni Gaddiel. She's Mrs. Real's niece kaya pinilit ko talaga siya.
Masama ang tingin sakin ni Jorge pero hindi ko iyon pinansin. "I took a picture of it, I sent it your IG." she said.
Mabilis ko namang kinuha ang phone ko. I can hear Jorge's groans.
"User ka talaga, bwesit. Bye na, hinihintay na ko ni Ryder." asik niya sakin.
Tumango ako nang hindi siya tinitingnan. Alam kong nakairap na naman 'to sakin. "Alright, thank you!" I exclaimed.
Agad rin akong umalis sa tapat ng office ni Ma'am at tumigil sa gilid ng malayong corridor para tingnan ang ni-send ni Jorge na picture sakin.
Baliktad pa ang pagkakapicture niya ng letter kaya binaliktad ko rin ang phone ko para mabasa iyon ng maayos.
It was a letter from his parents excusing their son, Gaddiel. It looks elegant kaya hindi mukhang simpleng excuse letter lang ng studyante. Hindi ko man naamoy ay alam ko na agad na scented paper iyon. The color was rose gold and was a bit metallic.
"Headache," bulong ko nang mabasa iyon. "He's sick?"
Para lantang halaman na bumagsak ang balikat ko.
Alam ko namang mukhang masakitin talaga si Gaddiel pero seriously? Sa unang buong araw pa talaga namin siya nagkasakit.
Was that why he seemed a bit off yesterday noong uwian? I was clinging on his arm when we got outside the gate kahapon at nakita kong medyo ngumiwi siya nang isang segundo bago iyon mabilis na itinago sa akin. Hindi ko iyon pinansin dahil siyang-siya talaga ako.
Hinatid ko siya hanggang sa sundo niyang van bago ako sumama kina Thelma sa Starbucks kahapon.
He even smiled at me yesterday while blushing when I blew him a kiss. Tapos may sakit pala siya?!
Na-guilty tuloy ako na galit na galit ako sa kanya kanina. Akala ko natakot siya na siya sakin at nagpasyang iwanan na ako. Kung hindi lang nabanggit ni Ma'am na may excuse letter siya baka gano'n na talaga ang isipin ko.
Tinutukso pa ako nina Thelma na baka igo-ghost daw ako ni Gaddiel, hindi nga lang sa internet at baka dahil na-trauma sakin. Exaggerated pero kapanipaniwala naman knowing Gaddiel.
Konting-konti nalang sasabunutan ko na sila kanina e.
Sumapit ang gabi, titig na titig ako sa screen ng cellphone ko kung saan naka-register ang number ni Gaddiel.
Gusto ko siyang tawagan pero nagdadalawang-isip naman ako dahil baka walang sumagot. Hindi mahilig mag-cellphone si Gaddiel kaya ano pa kaya kung may sakit siya.
Nakatulog ako ng gabing iyon na hindi ko namamalayan. Kinabukasan ay tanghali parin akong nagising kahit na maaga akong nakatulog kagabi.
Ang bagal ng pagkilos ko ngayong araw. Pag nagkasakit ako ay usually tatlong araw akong absent, ano pa kaya si Gaddiel na mukhang masakitin talaga.
Though wala namang nakasulat sa excuse letter niya kung hanggang kailan siya a-absent, hindi na ako umasa na papasok siya ngayong araw mismo.
Tamad na tamad akong pumasok sa school. Hindi pa class time pero alam kong ilang minuto nalang ay magri-ring na ang bell.
Pinagtitinginan pa ako sa corridor pero hindi ko sila pinansin. Hindi naman ako bad trip pero sobrang tinatamad ako. Ni hindi ko nga magawang makinig ng music sa earpods ko gaya ng palagi kong ginagawa pagpasok sa school.
YOU ARE READING
his innocence
Fiksi Remaja[EDITING] I saw how his lips tremble upon my touch. I never touch a man like this but I'm no innocent. This is also my first but I know what I'm doing- while he obviously have no idea about these things. "Are you ready?" I asked with my unusual rasp...